Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang pagbabalik ni Sangalang

080315 ian sangalang

KINASASABIKAN na ang pagbabalik sa active duty ni Ian Sangalang para sa Star Hotshots sa 41st season ng Philippine Basketball Association.

Kasi nga naman ay isang game lang ang nalaro ni Sangalang noong nakaraang season at paglatapos ay na-sidelined na siya buong conference nang napunit ang anterior cruciate ligament. Kinailangang operahan ito at hindi bumaba sa anim na buwan ang recuperation. Bagama’t puwede na sana siyang maglaro ay hindi na siya isinugal ng Star sa dulo ng season.

Sa pagkawala ni Sangalang, marami tuloy ang nagsabi na siya ang isa sa malaking dahilan kung bakit nabigo ang Star na maipagtanggol ang isa sa tatlong kampeonatong napanalunan nito noong 39th season. Naubos ang titulo ng Star at hindi man ito nakarating sa Finals ng kahit alin sa tatlong conferences.

Ang pagkawala nga ba ni Sangalang ang dahilan?

Puwedeng oo. Puwedeng hindi.

Kasi ay napalitan naman ang puwesto ni Sangalang nang makuha si Mick Pennisi.

Pwero siyempre, matanda na si Pennisi at bata si Sangalang. Malaki ang agwat sa kanilang edad.

Pero hindi naman si Sangalang lang ang naging dahilan kung bakit naka-Grand Slam ang Star, e. Buong koponan iyon, e.

So, puwede rin namang pinunan ng kanyang mga kakampi ang pagawala ni Sangalang.

Kaya lang ay hindi nangyari iyon.

Kasi’y tila nabusog na ang Hotshots. Tila nawala ang kanilang gutom at uhaw dahil sa nakumpleto na nga nila ang Grand Slam.

Ewan natin kung guton ulit sila sa pagpasok ng 41st season.

At hindi rin natin alam kung paano gagalaw ang Hotshots sa ilalim ng kanilang bagong coach na si Jason Webb.

Malaking hamon ito para kay Webb!

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …