Sunday , December 22 2024

Mary Jane ‘di masasagip ng kaso vs recruiters

MALABONG pagbigyan ng Indonesian government ang ano mang kahilingan na mapalaya si Mary Jane Veloso, ang Filipina na hinatulan ng kamatayan dahil sa drug smuggling, pahayag ni Attorney General M. Prasetyo, ayon sa ulat ng Jakarta Post kahapon.

Ayon sa ulat, sinabi ni Prasetyo, malabong mapigilan ng legal proceedings sa Filipinas, ang pagpapatupad ng parusang bitay kay Veloso.

Ang tinutukoy niya ay isinasagawang paglilitis sa mga recruiter ni Veloso sa Filipinas.

“Any request to free Mary Jane (Veloso) would be difficult to realize as she has been proven to have smuggled heroin into the country,” ayon sa attorney general.

Si Veloso, sinabing nagoyo siya sa pagdadala ng heroin sa Indonesia noong Abril 2010, ay itinakdang bitayin noong Abril 29 ngunit iniliban ng Indonesian government ang pagsalang sa kanya sa firing squad nang ituring siyang testigo sa human trafficking case laban sa kanyang mga recruiter.

Ngunit sinabi ni Prasetyo, kapag napatunayang guilty ang sinasabing recruiter ni Veloso na si Maria Kristina Sergio sa kasong human trafficking, maaari itong magamit ni Veloso bilang “new evidence to be considered in a case review or clemency appeal.”

About jsy publishing

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *