Friday , November 15 2024

Kontra-bulate ‘di pa expired — Garin (Naospital halos 1K estudyante na)

IGINIIT ni Health Sec. Janette Garin, hindi pa expired ang mga gamot na ginamit sa deworming kamakalawa na bahagi ng programa ng Depertment of Health (DoH).

Base sa mga lumabas na report, kaya nahilo, sumakit ang tiyan at nawalan ng malay ang mga estudyante sa Region IX ay dahil 2012 pa nag-expire ang mga gamot na ibinigay sa mga estudyante.

Giit niya, Agosto 2015 pa mag-e-expire ang deworming tablet na ginamit kamakalawa.

Nagpalit na rin daw aniya ang DoH ng supplier kaya’t iba na ang mga gamot na ginamit sa deworming ngayong taon kompara sa mga gamot noong 2012.

Una rito, dumipensa si Garin na bago ang deworming ay sinuri muna ng DoH, Food and Drug Administration (FDA), maging ang World Health Organization (WHO) ang mga gamot na ginamit.

Paliwanag ng DoH, ang pagsusuka, pananakit ng tiyan at pagkahilo ay side effects lamang kapag uminom ang isang bata ng pampurga.

Nilinaw rin ni Garin na ang Albendazole 400mg ay hindi matapang na gamot dahil puwede itong ibigay kahit sa isang taon gulang na bata.

Posibleng psychological effect aniya ang nangyari sa mga bata dahil nag-panic nang makita ang mga kamag-aral na nakaramdam sa epekto ng gamot.

Ayon sa pinakahuling ulat, halos umabot na sa 1,000 estudyante ang naospital dahil sa pag-inom ng nasabing pampurga.

About jsy publishing

Check Also

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *