Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Immigration ‘natakasan’ ng illegal foreign workers

PALAISIPAN ngayon sa Bureau of Immigration kung saan na napunta ang 22 foreign nationals na kasama sa mga nahuli sa isang raid sa Pasay City nitong nakaraang linggo.

Nitong Hulyo 21, sinalakay ng BI ang isang tanggapan sa Pasay City at naaresto ang 169 foreign nationals, karamihan ay Chinese, na pinaniniwalaang ilegal na nagtatrabaho bilang call center agents at online gambling operator.

Labing apat ang nakapagpakita ng tamang visa at working permit kaya daw pinakawalan.

Pero may isang unaccounted o naglahong parang bula, habang 21 ang sinadyang palayain makaraang magpakita umano ng CEZA o Cagayan Economic Zone Authority special visa. 

Ayon kay Atty. Elaine Tan, tagapagsalita ng BI, ‘di sila dapat pinawalan dahil ang CEZA ay hindi awtomatikong patunay na walang paglabag sa immigration laws ang mga banyaga.

Dapat aniya ay bineripika muna ng raiding team na pinamunuan umano ng isang contractual agent na retiradong Kernel ang kanilang dokumento.

Sa huli , 155 lang ang tuluyang naaresto at nahainan ng reklamo para maipa-deport.

Dahil dito, seryosong pinaiimbestigahan ni BI Commissioner Siegfred Mison ang kanilang hanay upang malaman kung may money involved sa nawawalang Chinese workers nang sa gayon ay hindi mabahiran ng kontrobersiya ang kanilang ginawang operasyon.

Pinagsusumite rin niya ng written explanation ang mga opisyal na nanguna at kasama sa raid.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …