Sunday , December 22 2024

Aquino sisters: Mar kami

0731 FRONTSA unang pagkakataon mula nang nagbitiw sa gabinete si Vice President Jejomar Binay ay binasag na ng Aquino sisters na sina Ballsy Aquino-Cruz at Pinky Aquino-Abellada ang kanilang pananahimik sa walang habas na banat ni Binay sa kanilang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino.

“Very clear naman that in this battle for next year’s elections, talagang hiwalay na ang landas. Talagang klarong-klaro na kakandidato siya na hindi siya sang-ayon… Marami siyang hindi gusto sa administrasyon na ito. I dont’ think he’s expecting anything from the family,” pahayag ni Ballsy.

Kilalang malapit sa pamilya Aquino si Binay mula nang itinalaga siya bilang OIC ng Lungsod ng Makati ni yumaong Pangulo Cory Aquino noong 1986. Madalas sabihin ni Binay na malaki ang utang na loob niya sa mga Aquino kaya’t ikinagulat ng lahat ang matinding paninira niya kay PNoy. Halata naman nasaktan dito ang magkakapatid na Aquino. “I am only human. As Ballsy said, the difference is very clear. We just have to respect each other,” ani Pinky.

Malinaw rin sa mga pahayag ni Kris Aquino, ang pinakabatang kapatid ni PNoy, na kahit malapit sila sa mga Binay ay uunahin pa rin niya ang kanyang pamilya.

Sa isa sa kanyang mga Instagram posts, sabi ni Kris na ni minsan ay hindi sila diniktahan ni PNoy tungkol sa usaping politika. “It’s perfectly reasonable for to stand by his allies, but he has never dictated to me or my sisters to ‘unfriend’ those he has come into disagreement with. Nevertheless, at the end of the day, my heart and my prayers will always be with PNoy,” sabi ng TV host at aktres.

Kaibigan man o hindi, nilinaw ni Kris na sa huli ay si PNoy pa rin ang dedepensahan niya. Pahayag ni Kris pagkatapos tawaging ‘palpak’ at ‘manhid’ ni Binay si PNoy: “I prefer not to comment at length. I’m sure that for you and your readers, it will be understandable that for me, family comes first. By family, I mean my brother, and this instance, only my brother,” sagot niya.

Siniguro ng Aquino sisters na susuportahan nila ang magiging kandidato ni PNoy sa 2016 katulad ng ginawa nila noong 2010. Nilinaw ni Pinky na sinuportahan nila noon pa si DILG Secretary Mar Roxas. “In 2010, nagugulat lang ako because up to the end we were Noy-Mar,” diin niya.

Inaasahang ieendorso ngayong araw ni Pangulong Aquino si Roxas sa Club Filipino.

Suporta kay VP Binay binawi ng pres’l sisters

IGINAGALANG ng Palasyo ang desisyon ng presidential sisters na bawiin ang suporta kay Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., nauunawaan ng Malacañang ang pag-atras ng suporta nina presidential sisters Viel Aquino-Dee, Ballsy Aquino-Cruz at Pinky Aquino Abellada kay Binay dahil sa mga banat ng bise presidente sa kanilang kapatid.

Ayon sa Aquino sisters, nagalit sila kay Binay makaraan tawagin na palpak, manhid at teka-teka ang administrasyon ni Pangulong Aquino.

Nilinaw rin ng presidential sisters na si Interior Secretary Mar Roxas ang kanilang susuportahan sa 2016 presidential elections.

Bago sumambulat ang ill-gotten wealth ni Binay ay todo-suporta ang Aquino sisters sa kanyang kandidatura sa 2016 presidential elections.

Rose Novenario

About jsy publishing

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *