Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shabu bistado sa ari ng dalaw (Sa Pasay City jail)

NABUKO ng mga tauhan ng city jail ang itinagong plastic sachet ng shabu sa ari ng 46-anyos babaeng dadalaw sana sa kanyang kinakasama at sa bayaw na nakakulong sa Pasay City. kamakalawa ng hapon.

Ang inarestong babae ay kinilala ni Pasay City Warden Supt. Baby Noel P. Montalvo, na si Jennifer Belda ng Sucat, Parañaque City.         

Base sa imbestigasyon ni Jail Officer 1 Joel Reyes, dakong 2 p.m. dadalaw sana ang babae sa kinakasamang si Antonio Samson na nakakulong sa Dormitory 9 ng Pasay City Jail, may kasong illegal possession of firearms, at sa bayaw na si Norberto Samson, may kasong may kinalaman sa baril.         

Sa searching area, kinapkapan at pinahubad ng pantalon ang babae ni JO1 Lowella at nakita sa ari ng dalaw ang plastic sachet na hinihinalang droga na nakabalot sa malambot na kulay berdeng papel sa maliit na plastic nakatali sa goma o rubber.

Sinabi ni Jail warden Montalvo, tatlong oras na nakaipit sa ari ng babae ang naturang shabu at nailabas lamang bandang 5 p.m.

Pinabulaanan ni Belda na sa kanya ang shabu at sinabing ipinadala lamang sa kanya ng isang babae na hindi niya kilala.

Ipinasa ng Pasay Jail si Belda sa tanggapan ni Chief Inspector Carlito Narag Jr., hepe ng Station Anti-Illegal Drugs –Special Operation Task Group (SAID-SOTG).

Siya ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act, sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …