Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Endorsement ni PNoy kay Mar kasado na

0730 FRONTKASADO na ang pag-eendorso ni Pangulong Noynoy Aquino para sa mamanukin niya para sa eleksyon sa 2016. 

Tulad ng sinabi ng Pangulo, sa katapusan ng Hulyo niya ibubunyag ang napipisil niyang kasunod sa pampanguluhan.

Kinompirma naman ni Kalookan Representative Egay Erice na sa kanyang palagay ay ieendorso na ni PNoy si DILG Secretary Mar Roxas bago matapos ang linggong ito. 

“Wala namang duda na iisa ang puso’t diwa at direksyon ng pangulo at ng partido kaya wala nang ibang kuwalipikado para ituloy ang mga nagawa ng administrasyong ito kundi ang kanyang co-pilot na si Secretary Mar Roxas,”  pahayag ni Erice.

Ayon kay Erice, naniniwala ang administrasyon na taglay ni Roxas ang kakayahan, puso at integridad upang ituloy ang magandang sinimulan ng “Daang Matuwid.”

Lalong umugong ang pangalan ni Roxas pagkatapos ng papuring ibinigay ni PNoy ng nakaraang State of the Nation Address (SONA).

Iginiit ni PNoy na ni minsan ay ‘di tinigilan ang banat kay Roxas dahil alam ng mga kalaban na siya ay may ibubuga.

Hinimok rin ni PNoy si Roxas na huwag panghinaan ng loob dahil napatunayan na “you can’t put a good man down” aniya.

Usap-usapan, sa Club Filipino muli gagawin ang endorsement, isang makasasaysayang lugar para kina Aquino at Roxas. Matatandaang noong 2009 ay dito rin inianunsyo ni Roxas na siya ay magbibigay-daan sa kandidatura ni Aquino.

Noong 1987, dito rin nanumpa bilang pangulo ang ina ni PNoy na si Cory Aquino pagkatapos ang snap elections.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …