Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Bully’ tinadtad ng saksak ng naalimpungatang katrabaho

TATLUMPU’T APAT na saksak ang itinarak ng isang helper sa kanyang katrabaho dahil sa walang tigil na pambubuska at panlalait sa kanya

sa Sta. Ana, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay SPO4 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District Homicide Section, agad binawian ng buhay ang biktimang si Carlito Macario, stay-in worker sa Lejusant Trading sa 2883 Sulter St., Sta Ana, Maynila.

Habang kusang sumuko sa pulisya ang suspek na si Rodolfo Fernandez, Jr., alyas Jan-Jan, 22, kasamahan ng biktima.

Dakong 12 a.m. nang biruin ng biktima ang natutulog na suspek kahapon. Pero bago ito, madalas umanong ginagawa ng biktima sa suspek na si Fernandez ang panggigising sa pamamagitan ng pagsubo ng buto at balahibo ng manok, pubic hair at tahasang pambabastos kapag gumagamit ng kasilyas.

Nang magising ang suspek, tumambad sa kanya ang nagtatawanan niyang mga kasamahan kaya galit siyang tumayo at nagtungo sa kusina.

Pagbalik, may dala nang kutsilyo ang suspek at walang habas na pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Macario na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Sa panayam, inamin ni Fernandez, na matagal na siyang nagtitimpi sa pambababoy sa kanya ng biktimang si alyas Dagul.

Leonard Basilio may kasamang ulat nina Rhea Fe Pasumbal, Beatriz Pereña at Angelica Ballesteros

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …