Friday , November 15 2024

SONA kapos sa totoo — Bayan Muna

HINDI makatotohanan ang mga mga inilahad ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang ikaanim at huling State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes.

Iginiit ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, hindi pwedeng mga nagawa lamang ng administrasyon ang ibida sa SONA bagkus, ay dapat din banggitin ang realidad.

“Ang tunay na state kasi, hindi ‘yung iiwasan mo ‘yong masamang balita. Kasi ang state of the nation, hindi accomplishment report… kung may accomplishment ka e ‘di sabihin mo, pero kung may kapalpakan ka, sabihin mo rin kasi ‘yan ang tunay na kalagayan, otherwise, niloloko mo ang taumbayan,” pagdiiin ni Colmenares.

Aniya, pawang walang katotohanan ang mga ibinida ng Pangulo tulad na lamang sa usapin ng edukasyon, peace and order at maging ang pag-angat ng buhay ng mga ordinaryong mamamayan.

Giit niya, hindi nabanggit ang ilang mahahalagang panukalang batas tulad ng Freedom of Information Bill habang iniwasan ang usapin sa Mamasapano incident.

“Hindi niya binanggit ‘yung SAF 44. Ano na’ng gagawin mo ro’n? Hindi mo ba papanagutin ‘yung mga nagbala sa kanyon sa SAF 44? Wala e. Kasi alam naman natin, sa tingin namin bilang oposisyon, siya ang isa sa dapat managot kasi roon kaya ang hirap niya banggitin.”

Kombinsido ang mambabatas na maraming pagkakamali si Aquino sa limang taon panunungkulan sa bansa at pinakamalaki sa mga ito ang isyu ng agrikultura at industriyalisasyon.

About jsy publishing

Check Also

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *