Sunday , December 22 2024

Mahigpit na seguridad ipinatupad sa Munti

MAGPAPATUPAD nang mahigpit seguridad sa lungsod ng Muntinlupa bunsod ng sunod-sunod na insidente ng pagdukot, pagnanakaw at pagpatay sa isang guro kamakalawa ng umaga.

Kahapon, iniutos ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi sa hepe ng pulisya na si Sr. Supt. Allan Nobleza ang mahigpit na pagpapatupad ng seguridad kasunod ng naganap mga krimen.

Inatasan niya si Nobleza na magsagawa ang pulisya ng 24-oras monitoring at pagpapatrolya sa siyudad upang hindi na muling maulit ang krimen.

Ang kautusan ng alkalde ay kasunod ng pagdukot sa mga biktimang sima Cherry Ann Rivera, 26; anak niyang si Jan Carlos, 2, ng Express View Village, Brgy, Putatan; sa magkamag-anak na sina Raquel Apolonio, 24, at Robielyn Gresones, dakong 3:30 p.m. noong Hulyo 26 sa Estanislao St., Express View Villas  ng naturang barangay.

Sinasabing dinukot ang mga biktima ng tatlong lalaki lulan ng isang kulay berdeng old model na sasakyan.

Kinuha rin ng mga suspek ang sasakyang pag-aari ni Cherry-Ann, na itim na Toyota Vios (ALA-1169) ganoon rin ang kanilang pera, alahas at cellphone.

Kamakalawa dakong 5:39 a.m., nilooban ang inuupahang apartment ng mag-asawang guro na sina Jesus, 30, at  Keisha Arandia, 25, sa Lakeview Homes, Brgy. Putatan ng lungsod.

Kapwa sinaksak ang mag-asawa at minalas na binawian ng buhay si Jesus.

Sa follow-up operation ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police, nasakote ang suspek na si Jeffrey Magnaye, 26, matansero, sa bahay ng kanyang kaanak sa Lemery, Batangas.

Nangyari ang krimen sa iisang barangay kaya’t nanawagan ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa, na maging alerto sa masasamang elemento.

Manny Alcala/Jaja Garcia

About jsy publishing

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *