Friday , January 10 2025

Sandiganbayan Justice inasunto sa P15-M Extortion (Gov. Alfonso Umali pumalag)

NAHAHARAP sa grave misconduct charges sa Korte Suprema si Sandiganbayan associate justice Jose Hernandez sa reklamong tangkang pangingikil ng P15 milyon kay Oriental Mindoro governor Alfonso Umali Jr., kapalit ng pagpapawalang-sala sa kasong graft pero itinuloy ang hatol nang tanggihan ito ng provincial executive.

Nag-ugat ang reklamo ni Umali laban kay Hernandez mula sa pagpasa ng Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 284-93 na nagbigay ng awtoridad kay dating provincial governor Rodolfo Valencia na pumasok sa isang P2.5-milyon credit agreement para sa operasyon ng MV Ace sa rutang Calapan-Batangas at vice versa na tutugon sa pangngailangan ng lalawigan lalo sa panahon ng kalamidad.

Si Hernandez, noo’y presiding judge ng 4th Division ng anti-graft court, ang naglitis at naghatol kina Umali, Valencia at sangguniang panlalawigan member Romualdo Bawasanta.

Sa kabilang dako, si Umali naman ang provincial administrator sa panahon ng termino ni Valencia bilang gobernador nang malagdaan ang P2.5-milyong credit loan agreement.

“Bago ang desisyon ng Sandiganbayan nitong Abril 20 (2015), nilapitan ang aking kampo ng isang Ruel Ricafort—isang tao na napag-alaman naming malapit kay Justice Hernandez at kanyang maybahay. Malinaw na sinabi rin ni Ginoong Ricafort na pinsan siya ng asawa ni Justice Hernandez. Sinabi rin niya na kung nais kong mapawalang-sala, ang kailangan ko lang gawin ay magbayad ng P15 milyon kay Justice Hernandez,” dagdag ng gobernador.

Sinabi umano ni Ricafort na ang planong pagpapawalang-sala kay Umali ay isang ‘one-time offer’ na dapat niyang ‘tanggapin o iwan’ sa mesa.

Ngunit nang tanggihan ni Umali ang iniaalok na ‘kasunduan’ sinigurado umano ni Hernandez na mahahatulan ang gobernador.

Ibinulgar  ni Umali na naging ‘pangunahing target’ siya ni Hernandez dahil si Representative Reynaldo Umali—na matagal nang may krusada laban sa judicial corruption at isa rin sa dahilan ng pagkakatanggal ni Justice Gregorio Ong ay kanyang kapatid.

Napaulat na sina Hernandez at Ong, dating presiding judge ng 4th Division ng Sandiganbayan, ay ‘matalik na magkaibigan.’

Ayon kay Umali, bilang mahistrado ng korte na naglilitis ng mga kasong kriminal laban sa mga opisyal ng pamahalaan, hawak ni Hernandez ang kapangyarihan sa buhay, kalayaan at ari-arian ng mga akusado at gayon din ang career ng mga taong nasa serbisyo publiko.

“Para sa maraming public officials, tanging pagsisilbi sa publiko ang pundasyon na pinaninindigan sa kanilang buong buhay. Ito’y maaaring agawin na lamang ng isang tiwali at “biased” na mahistrado tulad ng respondent,” punto ni Umali.

JSY

About JSY

Check Also

Mervin Guarte

Pagpanaw ni Mervin Guarte ikinalungkot ni Cayetano

LUBUSANG ikinalungkot si Senador Alan Peter Cayetano sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Ayon …

Gun poinnt

PWD itinumba sa basketbolan

PATAY ang 32-anyos na person with disability (PWD) nang barilin sa ulo ng hindi kilalang …

2 Chinese nationals may visa pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

2 Chinese nationals may ‘visa’ pero kuwestiyonable inaresto ng BI-NAIA

NADAKIP ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) …

Mervin Guarte

Pahayag ni Senador Alan Peter Cayetano Kaugnay ng Pagpanaw ni Mervin Guarte

Lubos akong nalulungkot sa malagim na pagpanaw ni Mervin Guarte. Isa siyang minamahal na kabataan …

Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *