Sunday , December 22 2024

Holdaper napatay 5 pulis-Maynila sinibak sa puwesto

PATAY ang isang holdaper habang nakatakas ang isa pa makaraan  ang sinasabing pakikipagpalitan ng putok sa mga pulis sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling-araw. 

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 12 a.m. nang maganap ang insidente sa Silencio St. kanto ng Sociego St., Sampaloc, Maynila.

Ayon sa saksing si Edgar Moises, 46, may asawa, Ex-O ng Brgy. 586, Zone 57, at residente ng #537 Silencio St., Sta. Mesa, Maynila, nagroronda sila sa nabanggit na lugar nang makita ang dalawang suspek habang hinoholdap si Stevenot De Leon, 45, may asawa, kagawad ng Brgy. 564, Zone 55, at residente ng 1036 Samar St., Balic-Balic, Sampaloc, Maynila.

Nang tumakbo ang mga suspek, nakita sila ng nagpapatrolyang mga pulis sa pangunguna ni S/Insp. Rommel Salazar kaya’t binaril ng mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa mga salarin ngunit nakatakas ang kasama.

Kaugnay nito, base sa text message ni Chief Supt. Rolando Nana, District Director ng MPD, pansamantala munang tinanggal sa puwesto ang limang pulis Maynila na sina S/Insp. Salazar, PO3 Ferdinand Valera, PO1 Ronald M Dipacina, PO1 Rhoel  Landrito, PO1 Diomar Landoy, pawang nakadestino sa PCP Gulod Sampaloc, Maynila habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya makaraan makuhaan ng CCTV ang insidente.

Sa CCTV footage ng insidente, makikitang tumakbo ang isang suspek at ang isa pa ay bumaba sa tricycle na nakataas ang dalawang kamay at nakaluhod nang barilin ng isang pulis.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.

Leonard Basilio, may kasamang ulat ni Angelica Ballesteros

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *