Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Special child hinalay ni tatay (Sa itaas ng nitso)

KALABOSO ang isang 58-anyos sepulturero ng Manila North Cemetery makaraan maaktohan ng mga barangay tanod ang panghahalay sa kanyang anak na special child sa ibabaw ng nitso sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling araw.

Itinago ang biktima sa pangalang Gina, 23, isip-bata, pang-apat sa limang magkakapatid at nag-iisang babae.

Habang nakapiit na sa Manila Police District-Women’s and Children’s Protection Desk  ang supek na si Alfonzo De Guzman.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Thelma Samudio, dakong 2:30 a.m nang maganap ang insidente sa loob ng sementeryo.

Nagroronda ang mga barangay tanod nang marinig ang ingay ng biktima sa madilim na bahagi ng sementeryo at nang kanilang lapitan ay nakitang ginagahasa ng suspek ang biktima.

Sa medical examination sa Philippine General Hospital (PGH), positibong ginahasa ang biktima.

Malaki ang paniwala ng ina ng biktima na matagal nang ginagahasa ng kanyang asawa ang kanilang anak.

Sa imbestigasyon, nabatid na kapwa gumagamit ng droga ang mag-asawang caretaker sa sementeryo.

Leonard Basilio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …