Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nadine, okey lang na walang ka-loveteam

070915 nadine lustre

KADALASAN, kaya nabubuwag ang isang love team ay dahil sa third party.

Sa kasalukuyan, medyo dumaraan sa kaunting pagsubok ang love team nina Nadine Lustre at James Reid dahil sa tsismis na nililigawan daw ngayon ni James si Julia Barretto.

Aware pala si Nadine tungkol dito and if worse comes to worst, nakahanda naman daw siya sakali mang mabuwag ang tambalan nila ni James although hindi naman daw inamin sa kanya ng actor ang tungkol dito.

Matalino si Nadine at alam niya na sa love team na ganyan, may nagtatagal, mayroon ding hindi.

Kung sakali mang mabuwag ang kanilang tambalan ni James, handa na raw siya.

At welcome naman daw siya kung bibigyan ulit siya ng panibagong makaka-love team ng Viva.

Hmmmm…. kaya pala tinanggap ni Nadine ang isang horror film, ang Chain Mail kahit wala si James?

And take note, hindi si Nadine ang bida rito.

Ang baguhang si Shy Carlos na kaibigan niya ang bida.

Kaya hindi na rin tayo magtataka kung ang next movie naman ni James ay wala rin si Nadine.

Naku, sayang naman . Bago pa tuluyang magkaroon ng lamat ang tambalan nila, sana ma-patch up ito kaagad at huwag padadala kaagad sa intriga.

Ang Chain Mail ay istorya tungkol sa mga taong nakatatanggap ng mga email na kailangang i-forward ito sa kung ilang tao at kapag hindi mo nagawa ay may masamang mangyayari. Mas okey nga sa panahon ngayon dahil i-forward mo lang naman unlike noong araw na kailangang ulitin mong isulat ng 24 times ang letter at ‘yung iba ayaw pang tumanggap.

Bukod kina Nadine at Shy, kasama rin dito sina AJ Muhlach, Mark Bautista, Meg Imperial, Khaleb Santos, Jackielou Blanco and John Regala, sa direksiyon ni Adolfo Alix at ipalalabas na ito sa July 22.

Teka, kung sakaling mabubuwag ang love team nina Nadine at James, ano kaya ang magiging reason?

Hmmm…. sana sawa factor na lang, huwag lang third party, bwahahahaha.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …