Wednesday , November 20 2024

DMCI wagi na naman sa Palawan Coal Plant?!

DMCI palawan coalMUKHANG buenas talaga sa ilalim ng daang matuwid ang DMCI.

Nakakuha na kasi ang DMCI Power Corp., ng Strategic Environmental Plan clearance mula sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) para makakuha ng environmental compliance certificate (ECC) mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ibig sabihin, sa kabila ng pagtutol ng ilang grupo ng mga residente at environmentalists sa Palawan, isang hakbang na lang ay maaprubahan na ang 15-megawatt coal-fired power plant na target itayo sa coastal village ng San Isidro sa bayan ng Narra.

Mismong si Palawan Governor Jose Alvarez ay hayagang nangangampanya at sumusuporta sa nasabing proyekto.

Ayon kay Tourism Secretary Ramon Jimenez, lubhang mapanganib ang proyektong ito sa preserbasyon ng mga likas na yaman sa lalawigan ng Palawan.

Imbes coal-fired power plant, inirerekomenda ni Jimenez ang renewable energy batay na rin sa mungkahi ng DENR.

Ganito rin ang naging posisyon ng Palawan Alliance for Clean Energy (PACE).

Hinikayat din ng PACE ang provincial government na ipatupad ang energy master plan para mapunuan ang power requirements na kinakailangan ng Palawan.

Nakalulungkot na mukhang mababalewala ang effort ng mga taga-Palawan para biguin ang nasabing proyekto dahil mukhang mas malakas ang DMCI sa gobyernong may ‘daang matuwid.’

Ano kaya ang birtud ng DMCI at halos karamihan ng malalaking proyekto sa gobyerno ay nakokopo ng nasabing kompanya?!

Aba, kung laging papaboran ng administrasyon ang DMCI para makakuha ng proyekto sa gobyerno’e gusto nating tanungin, ano na ba ang nangyayari sa Philippine National Construction Corporation (PNCC)?! Bakit ibinuro na lang ito sa ilalim ng DTI?!                

Tsk tsk tsk…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *