Wednesday , November 20 2024

De Lima’s probe order on CNN’s cameraman  killing nakauumay na!

cnnANDIYAN ka na naman…inuuto-uto… ang media…

‘Yan siguro ang bagay na kanta para kay Justice Secretary Leila De Lima.

Paiimbestigahan daw niya agad ang pagpaslang kay CNN assistant cameraman Jonathan “Jojo” Ol-dan, 29-anyos.

Si Oldan ay pinaslang ng nag-iisang suspek nitong nakaraang Huwebes ng umaga sa Imus, Cavite.

Ipinaaalam pa raw ni Justice Secretary De Lima ang motibo ng pamamaslang kay Oldan kung ito ay may kaugnayan sa kanyang trabaho sa media.

OMG!!! Hindi ka naman kalbo, madam Leila, bakit ka nagpapatawa?!

Kung walang kaugnayan sa kanyang trabaho ang pamamaslang kay Oldan, isasama na lang siya sa talaan ng isang ‘normal’ na unsolved cases?

Ganoon ba ‘yun, Secretary De Lima?

Sa totoo lang, paulit-ulit na parang pirated CD lang ang pronouncement ni Madam Leila tuwing may pinapaslang na mamamahayag.

Parang gusto na rin natin maniwala na bilang kalihim ng katarungan, tinatanggap na lang ni Madam Leila ang mga pamamaslang sa ating bansa na isang ‘normal na pangyayari’ sa isang lipunan na ‘suppo-sedly’ ay sibilisado.

Nagkakaroon lang ng kakaibang ‘urgency’ ang mga awtoridad na usisain ang isang kaso ng pamamaslang kung ang biktima ay mamamahayag.

Pero take note, kailangan umanong may kinalaman sa trabaho ng biktimang media person ang pagpaslang sa kanya bago maging ‘urgent’ ang pagpapaimbestiga ng pamahalaan.

At kung walang kaugnayan sa kanyang trabaho, okey lang na maging unsolved case?!

What the fact!

Noong nanunungkulan pa tayong pangulo ng National Press Club (NPC) nag-initiate ang inyong lingkod ng dialogue dahil sa sunod-sunod na pa-mamaslang at tangkang pamamaslang (lalo sa kaso ni Jojo Trajano at Fernan Angeles) at ang masaker ng mahigit 50 katao na kinabibilangan ng mahigit sa 30 mamamahayag sa Maguindanao.

Ganoon din ang mga sumunod na pamunuan pero hanggang ngayon ay wala tayong nakikitang hakbang mula sa mga awtoridad na magiging deterrent para magkaroon man lang ng konting takot ang mga ‘malalakas ang loob’ na pumapaslang at nagpapaslang sa mga mamamahayag.

Puro umpisa pero walang natapos!

Ibig sabihin, Madam Leila, walang nagmarkang hakbang mula sa iyo para pigilan ang media killings sa bansa.

Kaya no wonder, na marami ang hindi natutuwa sa plano mong pagkarera sa Senado.

Baka makadagdag ka pa sa bilang ng mga mambabatas na haharang sa Freedom On Information (FOI) Bill.

Kapag nangyari ito, masasabi nating, bigong-bigo ang katarungan sa iyo, Madam Leila.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *