Wednesday , November 20 2024

‘Zumba’ kinatatakutan na ng airport policemen

descanzo apdMUKHANG mahirap nang maengganyo at maniwala ang mga Airport police na makatutulong sa kanilang kalusugan ang compulsory Zumba ni Manila International Airport Authority (MIAA) AGM for SES, ret. Gen. Jesus Gordon Descanzo.

‘Yan ay matapos pumanaw ang kabaro nilang si airport police 1 Archiemedez Rodriguez, dalawang araw matapos na bumagsak pagkagaling sa pagsu-Zumba.

Sa pangyayaring ‘yan, direkta o indirektang dahilan man ng atake ni Rodriguez ang pagsu-Zumba  matapos ang walo hanggang 12 oras ng pagdu-duty sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), tingin natin ay mayroong dapat pag-limian si AGM Descanzo.

Dapat na sigurong magising sa katotohanan si Descanzo na hindi lahat ng tao ay kayang mag-Zumba.

O kaya, hindi niya dapat i-generalize na ang pagsu-Zumba ay makatutulong sa kalusugan ng lahat ng tao.

Case-to-case  basis din po ‘yan AGM Descanzo.

Anyway, alam naman natin na hindi kayo na-tutuwa sa nangyari kay Rodriguez. Siyempre, nakalulungkot ‘yan at baka nga nagi-guilty pa… 

Pero may kasabihan, ano man ang ginagawa, kahit natutulog, kung darating na ang ‘sundo,’ ti-yak na ikaw ay masusundo…

‘Yun lang s’yempre, mas makabubuti pa rin na umiwas sa mga bagay na alam ninyong makapagpapadali ng inyong buhay…

Kung ang Zumba kay Descazo means long life… ‘tigok agad’ para sa airport police na si Rod-riguez.

Anyway, nakikiramay po ang inyong lingkod sa  kanyang mga naulila.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *