Friday , November 22 2024

San Juan City Querida de Manila (What are we in power for?)

00 Bulabugin jerry yap jsy‘YAN ang sinasabi ngayon ng mga prominenteng tao sa Maynila.

Ang San Juan City raw ay parang Querida ng Maynila.

‘Yun bang tipong, konti na lang, pwede na silang pag-isahin dahil sa tila ‘magkakabit’ na kapangyarihan na nangingibabaw sa dalawang lungsod.

Ang piesta ni San Juan Bautista na pinagkuhaan ng pangalan ng nasabing lungsod ay Hunyo 24 habang ang foundation day ng Maynila ay Hunyo 24 rin.

Aba, ‘e parang kambal o magkakabit nga na siyudad talaga.

Pero hindi natutuwa sa ideyang ito ang ilang residente ng Maynila lalo na ang mga mawawalan ng tahanan at komunidad diyan sa Sta. Mesa, Maynila dahil sa kapangyarihang iwinawasiwas ngayon ng ‘magkakabit’ na kapangyarihan.

Sa Barangay 600, Zone 59 sa Sta. Mesa, Maynila, nanganganib na mawalan ng tahanan ang tinatayang 900 pamilya na halos 50 taon nang nakatira riyan dahil kinakamkam umano ng kompanyang G-Liner ang loteng kinatitirikan ng kanilang mga bahay.

Katunayan, Hunyo 19 — Jose Rizal Day — ay sinimulan nang suyurin at gibain ng bulldozer at backhoe ang ilang estruktura sa nasabing area.

Kaya mula pa noong Sabado hanggang nitong Martes, tumindi ang tensiyon.

Napayapa nang kaunti ang mga residente nang makakuha sila ng temporary restraining order (TRO) dahil mayroon pang nakabinbing kaso sa isang korte sa Maynila.

Kaya nagtataka tayo kung bakit nakalusot ‘yung bulldozer at backhoe gayong hindi pa pala tapos ang kaso sa korte.

Kung tutuusin, ang mga residente sa nasabing lugar na halos 50 taon nang naninirahan ang may karapatan na mag-ari ng nasabing lupa lalo’t sila ay awardee ng National Housing Authority (NHA).

Pero nagtataka nga sila kung bakit biglang tila nagkaroon ng kapangyarihan ang may-ari ng G-Liner sa loteng kinatatayuan ng kanilang mga tahanan.

Kaya nga lalo silang naniwala na mayrooong ‘magkakabit’ na kapangyarihan ang San Juan at Maynila?

Akala kasi nila, personal lang ang ugnayan nina Mayor Guia G. Gomez at Erap Estrada. Akala kasi nila, nanay at tatay lang ni Sen. JV Ejercito sina Guia at Erap.

‘E huwag na po tayong magtaka…

Sabi nga ‘e weder-weder lang ‘yan… o sa pinakamalupit na hirit — What are we in power for?!

Aba ‘e anyare kina konsehal Atty. Priscilla Abante and Lanie Marie Lacuna ng Distrito 6 ng Maynila?!

Hindi ba ninyo nasubaybayan kung ano ang nangyari sa mga constituents ninyo diyan sa Barangay 600?!

Ni hindi man lang ba ninyo naipagtanggol ang karapatan nila sa paninirahan?

Aba ‘e, dinastiya na ang mga apelyido ninyo sa local government, hindi na naman siguro kayo mga bagito…

UMAKSIYON naman kayo Konsehal Abante and Konsehal Lacuna!!!

Hilong-talilong ang mga pasahero sa NAIA T-2 Immigration!

Parang turumpo ngayon ang mga pasaherong papaalis sa NAIA T2 departure area.

Bakit ‘kan’yo!?

Mantakin ninyo, binago na naman ang pila sa Immigration departure counter.

Sa south wing ay doon ipo-process ang mga foreigner at sa north wing naman ang mga Filipino passport holders.

Ang siste, WALA naman makitang signage na nagsasabi kung saan dapat pumila kaya madalas kapag nagkamali ang pasahero ay maglalakad na naman nang malayo para sa tamang Immigration counter.

Sonabagan!!!

Sino na naman kayang pa-bright-bright na Immigration official ang nakaisip ng ga-nitong katarantaduhan ‘este’ kaguluhan!?

BI-NAIA Head Atty. Floro Balatong ‘este’ Balato, Pwede bang sa susunod na magpatupad kayo ng bagong pila o sistema riyan sa Immigration NAIA ay ayusin n’yo munang mabuti ang implementation!

Huwag n’yong gawing turumpo ang mga pasahero!

Bwiseet!!!

PNoy cabinet members na tatakbo sa 2016 sumunod na kayo kay VP Jojo Binay!

‘YAN po ang panawagan ng mga kaalyado ni resigned Cabinet member Vice President Jejomar Binay.

Hindi nagre-resign si VP Binay sa kanyang elected post na vice president of the Philippine Republic.

Nag-resign siya bilang hepe ng HUDDC.

Sa ginawang ‘yan ni Binay, dapat ‘e maging ehemplo siya ng iba pang PNoy Cabinet member na nagpapalanong magsitakbo sa iba’t ibang posisyon sa 2016.

Isa na riyan ‘e ‘yung hepe ng TESDA na si Secretary Joel bulsa-nueva ‘este’ Villanueva.

Mukhang hindi naman naiintindihan ni bulsa-nueva este Villanueva kung ano ang trabaho niya.

 ‘E kung naiintindihan niya kasi ‘yan, dapat siya ang unang kumontra sa K-12 program ng Department of Education (DepEd).

Ano pa ang magiging silbi ng TESDA kung ipatutupad na ang K-12 program?!

Dapat buwagin na rin ‘yang TESDA kung hindi na mapipigilan ang K-12 program.

Hindi lang si Bulsa-nueva ‘este Villanueva, basta Gabinete na gustong tumakbo sa 2016, dapat ngayon pa lang mag-RESIGN na sila.

MANGUNA ka na nga, Secretary Joel Villanueva!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *