Monday , December 23 2024

Tag-ulan na naman tiyak na babaha na naman sa Metro Manila!

bahaSA GITNA ng forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mahaba pa ang mararanasang tag-init sa bansa dahil sa El Niño ‘e biglang bumuhos ang ulan kasabay ng nakasisindak na thunder storm.

Sa ilang araw pa lang na pag-ulan, ilang lugar na sa Quezon City at Maynila ang lumubog na naman sa baha.

As usual, ang mga lumubog sa baha ay commercial at university belt area.

‘Yan ay sa kabila, nang walang katapusang pagkukumpuni ng mga kalsada at drainage kuno nitong nakaraang tag-araw.

Katakot-takot na traffic ang sinalunga natin nitong nakaraang summer dahil sa walang tigil na pagkukumpuni ng mga kalsada.

Sa south Metro, sa Quezon City lalo sa Fairview area, sa Maynila — sa Sampaloc, Sta. Cruz at Binondo area na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos.

Akala natin, pagkatapos ng mga hukay-hukay na ‘yan ay hindi na tayo peperhuwisyohin ng baha — pero isang malaking AKALA pala ‘yan!

Anak ng tungaw naman talaga!!!

Dahil ‘yun nga, ilang ulan pa lang, lumubog ang Tomas Morato, ang EDSA, ang Sampaloc at Sta. Cruz.

Wala namang bago sa pagbaha sa mga lugar na ito. Ang bago lang dito ay ‘yung ‘AKALA’ natin na hindi na babaha — pero hindi pala.

Dahil bumaha nga!

Sige, bumaha na nga, kasado ba ang kaukulang ahensiya ng gobyerno sa mga pagbaha na alam nating hindi maiiwasan?!

Lalo na ngayong pasukan.

Baka naman sa mga interview lang sa iba’t ibang radio and television networks humusay ‘yang mga hepe ng ahensiyang nakatalaga sa kaligtasan ng mga mamamayan gaya ng Metropolitan Manila  Development Authority (MMDA), Department of Public Works & Highways, at NDRRMC.

Ano, magtuturuan na naman ba sina MMDA Chairman Francis Tolentino at DPWH Sec. Rogelio Singson!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *