Bus companies at puj sa Batangas pinatatarahan ng PNP-TMG Batangas?!
Jerry Yap
June 24, 2015
Opinion
MUKHANG nagkamali ang isang PNP major na sinabing bagong talaga riyan sa lalawigan ng Batangas bilang hepe ng PNP-Traffic Management Group (TMG).
For the benefit of the doubt, gusto muna nating paniwalaan na baka ginagamit lang ng kung sino-sinong pulis ang pangalan ni Chief Insp. Jeymar Maravilla, kasi bagong talaga palang siya diyan sa Batangas city.
Si Major Maravilla nga raw ang bagong hepe ng Batangas TMG.
Ang nakarating sa ating reklamo, mayroong ilang ‘kolektong-pulis’ ang ginagamit ang opisina umano ni Major Maravilla na tarahan ng 1k-2k sa loob ng isang buwan ang bawat bus na dumaraan sa Batangas city.
Ang lupeeet mo boy?!
Parang dinaig pa ang may sosyo sa mga transport group! Walang tosgas pero ang gusto may takits?!
And take note, hindi lang bus, kundi maging mga jeepney, tricycle at baka pati mga UV Express.
Aba Major Maravilla, may alam ka ba riyan sa oplan pakilala ng ilang pulis mo riyan!?
What the fact!?
Parang Tazmanian devil na lahat ng daraanan ay kakatasan.
DILG Sec. Mar Roxas Sir, mukhang naghahanap ng mga magagalit sa ‘yo ang PNP-TMG Batangas!?
Mukhang dapat mong kastigohin itong PNP-TMG Batangas na balak pa yatang dungisan ang iyong pangalan ngayong nalalapit na ang iyong kandidatura?!
Mukhang gustong makatikim ng iyong disiplina ang mga kotong cops diyan sa Batangas?!
Sampolan mo kaya agad-agad, Sir!
Sino ang kumuha ng BBL payola sa Mainland China!?
AYON sa isang nakahuntahan nating mga ‘matanda’ na riyan sa Bureau of Immigration (BI) — ang nangyayari daw ngayon na ‘malaking eskandalo’ sa kanilang ahensiya— na hindi maintindihan kung saan nagmula at paano sumulpot ay maituturing na tila tumubong nuno sa punso.
‘Yun daw bang tipo, na biglang may tumubong punso na hindi alam kung saan nagmula at biglang nagtututuro.
Ang sinasabi po noong beteranong Immigration employee na kaibigan ni Bisor Rico Pedrealba na nakausap natin, ‘yung pagsingaw ng black propaganda na mayroon daw isang Chinese crime lord na ginamit para gamiting payola sa kampanya ng BBL sa lower house at LP congressmen ay malalim na usapin.
Inakusahan ni Immigration Commissioner Siegfred ‘Valerie’ Mison ang kanyang dalawang associate commissioners na sina Atty. Abdullah Mangotara at Atty. Gilbert Repizo na nakipagkutsabahan umano kay Wang Bo?!
Sina Mangotara at Repizo ay inamin ng Palasyo na mga Liberal Party (LP) stalwarts.
Sa proseso ng House hearing, itinuro ni Mison sina Repizo at Mangotara na nag-ponente at pumirma para i-hold ang deportation order laban sa Chinese crime lord kuno na kinilala sa pangalan na Wang Bo.
Tsk tsk tsk … sa pangalan pa lang kaduda-duda na.
(Huwag tayong magtaka, kung isang araw ‘e biglang pumutok na si Wang Bo, ay hindi pala crime lord kundi isang illegal vendor lang sa Divisoria o kaya ay sa Baclaran).
Yak yak yak!!!
Pinaputok pa, na may isang BI official na bumiyahe pa sa mainland China para doon kubrahin at kunin ang malaking kuwarta.
Parang pelikula, ano po!?
SOJ Leila de Lima, kung may sinasabing BI Official na bumiyahe sa China ay madali naman na malaman ‘yan ‘di ho ba?
Buksan ang mahiwagang BI computer travel records para magkaalamanan kung sino ang opisyal na huling nag-honeymoon ‘este nagbiyahe sa China?!
Kung ang sinasabing BI Offical naman ay hindi nagpa-encode ng kanyang travel ay pwede rin naman tingnan ang manifesto ng PAL flight papuntang Beijing.
Meron bang BI official na nagpunta riyan last Holy week? May travel authority ba ang opisyal na ‘yan?
At kapag na-pinpoint ang opisyal na ‘yan, agad ipadala sa NBI para i-lie detector-test!
Ano sa palagay ninyo, Commissioner Fred Mison?!
Tag-ulan na naman tiyak na babaha na naman sa Metro Manila!
SA GITNA ng forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mahaba pa ang mararanasang tag-init sa bansa dahil sa El Niño ‘e biglang bumuhos ang ulan kasabay ng nakasisindak na thunder storm.
Sa ilang araw pa lang na pag-ulan, ilang lugar na sa Quezon City at Maynila ang lumubog na naman sa baha.
As usual, ang mga lumubog sa baha ay commercial at university belt area.
‘Yan ay sa kabila, nang walang katapusang pagkukumpuni ng mga kalsada at drainage kuno nitong nakaraang tag-araw.
Katakot-takot na traffic ang sinalunga natin nitong nakaraang summer dahil sa walang tigil na pagkukumpuni ng mga kalsada.
Sa south Metro, sa Quezon City lalo sa Fairview area, sa Maynila — sa Sampaloc, Sta. Cruz at Binondo area na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos.
Akala natin, pagkatapos ng mga hukay-hukay na ‘yan ay hindi na tayo peperhuwisyohin ng baha — pero isang malaking AKALA pala ‘yan!
Anak ng tungaw naman talaga!!!
Dahil ‘yun nga, ilang ulan pa lang, lumubog ang Tomas Morato, ang EDSA, ang Sampaloc at Sta. Cruz.
Wala namang bago sa pagbaha sa mga lugar na ito. Ang bago lang dito ay ‘yung ‘AKALA’ natin na hindi na babaha — pero hindi pala.
Dahil bumaha nga!
Sige, bumaha na nga, kasado ba ang kaukulang ahensiya ng gobyerno sa mga pagbaha na alam nating hindi maiiwasan?!
Lalo na ngayong pasukan.
Baka naman sa mga interview lang sa iba’t ibang radio and television networks humusay ‘yang mga hepe ng ahensiyang nakatalaga sa kaligtasan ng mga mamamayan gaya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Public Works & Highways, at NDRRMC.
Ano, magtuturuan na naman ba sina MMDA Chairman Francis Tolentino at DPWH Sec. Rogelio Singson!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com