Wednesday , November 20 2024

Ombudsman di natutulog laban sa mga mandarahas ng Press Freedom

nana tangdol ibayNALULUNGKOT tayo na kailangan pang humantong sa pagsasampa ng inyong lingkod ng reklamo sa Ombudsman laban sa mga pulis na umaresto sa inyong lingkod noong Abril 5, Easter Sunday, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3, sa harap mismo ng aking mga anak.

Inaresto po ang inyong lingkod noon dahil sa kasong LIBEL ma isinampa laban sa akin at sa tatlong kasama natin sa dalawang diyaryo, ng isang opisyal ng Manila Police District (MPD). Huling linggo ng Marso nang mai-raffle ang kaso na sumampa sa Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 39 — sala ni Judge Noli Diaz. Marso 30 (Lunes Santo) umano nang awtomatikong mag-isyu ng warrant of arrest ang korte.

‘Yung warrant of arrest ay agad-agad nasambot ng kung sinong interesadong maipiit tayo sa panahon ng Semana Santa.

Masyado po sigurong ‘santo’ ang tingin sa atin ng nagdemanda at nagpakana ng pag-aresto kaya naniniwala siyang karapat-dapat tayo sa ‘pagpapahirap’ kasabay ni Hesus na pinahihirapan naman ng mga Hudyo.

To make the long story short, nagsampa nga po tayo ng reklamo sa Ombudsman, hindi lamang para sa espisipikong paglabag sa aking karapatang pantao kundi maging sa pambabastos sa PRESS FREEDOM.

Naniniwala po ako na kailangan kong magreklamo sa Ombudsman para ipagtanggol ang KALAYAAN SA PAMAMAHAYAG na tahasang binastos sa nasabing insidente.

At lalo po tayong nahamon sa sitwasyon dahil natuklasan natin na wala pang resolusyon ang piskalya, information pa lang ang naibigay sa RTC Branch 39, ‘e mabilis pa sa alas-kuwatrong nakapaglabas ng arrest warrant na agad-agad dinala sa National Press Club noong Abril 1, Miyerkoles Santo. Kaagad din na nagbantay ang mga pulis sa ating opisina base sa CCTV na ating napanood pero nang malaman na wala ang inyong lingkod ‘e umalis na rin. At dahil nakipag-ugnayan na raw sila sa NPC kaya epektibong ipinalarga ni MPD warrant section OIC P/Senior Inspector Salvador Tangdol, ang pag-aresto — sa araw ng Linggo na nagkataong Easter Sunday.

Ang kaso pong kinakaharap namin ay LIBEL, hindi heinous crime at lalong hindi pandarambong.

Kailangan pong kumilos ng inyong lingkod laban sa ‘harassment’ na ito upang huwag nang maulit sa iba pa naming kasamahan.

Kung sa isang gaya po ng inyong lingkod na dating Presidente ng National Press Club ay nagagawa nila ito, paaano na po sa iba pa naming kasamahan na walang kakayahang kumuha agad ng abogado para ipagtanggol ang kanilang sarili?!

Dahil po rito, kasama na rin sa inireklamo namin si District Director C/Supt. Rolando Nana, Chief Inspector Edgar Rivera ng NAIA PNP ASG, P/Senior Inspector Rosalino Ibay Jr., PO3 Alvin Alfaro, PO2 Teraña at dalawa pang hindi nakikilalang pulis.

Gusto ko pong linawin na hindi po personal ang dahilan ng aming pagrereklamo sa Ombudsman.

Ito po ay tawag ng konsiyensiya para ipagtanggol at panaigin ang katotohanan lalo na kung mayroong mga puwersang nagpupumilit na kuputin at supilin ang kalayaan sa pamamahayag.

Ang reklamo po ay Misconduct, Conduct Prejudicial to Best Interest of the Service at bilang tugon sa reklamo, naglabas ng kautusan ang Tanggapan ng Ombudsman kina Ibay, Nana, Rivera at lima pang opisyal ng MPD na sagutin sa loob ng 10 araw ang reklamong isinampa laban sa kanila.

Sa kanyang kautusan, nakakita si Office of the Deputy Ombudsman for Military and Other Law Enforcement Offices director Dennis Garcia nang sapat na merito sa complaint-affidavit na isinampa ng inyong lingkod laban kay Ibay at kanyang mga corespondents bilang “sufficient in form and substance.”

In a way, feeling vindicated po tayo dahil mismong Ombudsman ang nagsabi na ang ating reklamo ay “sufficient in form and substance.”

Alam nating mahaba pa ang prosesong pagdaraanan nito. Pero ngayon pa lang ay nagpapasalamat na tayo sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), College Editors Guild of the Philippines (CEGP), International Federation of Journalists at Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) at iba pang organisasyon na nagtataguyod ng kalayaan sa pamamahayag na tumindig laban sa ilegal na pag-aresto laban sa inyong lingkod.

With the findings of the Ombudsman that the complaints I filed against the policemen who arrested/harassed me on Easter Sunday are sufficient in form and substance, I fervently hope that justice will be served. 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *