Wednesday , November 20 2024

E-Court ng Supreme Court inilarga na sa Quezon City RTC

supreme courtNITONG Hunyo 16, Martes, isang kaso pa ng Libel ang na-dismiss laban sa aming managing editor na si Gloria Galuno at circulation manager Edwin Alcala, na isinampa ng negosyanteng si Reghis M. Romero II.

Halos anim na taon din ang itinagal ng nasa-bing kaso hanggang makipagkasundo ang panig ni Mr. Romero na sila ay maghain ng Affidavit of Desistance.

Kapwa na-relieved ang magkabilang panig.

Pero ang higit na nakatutuwa rito, unang araw iyon nang ipinatutupad na e-Court ng Supreme Court at ang pilot implementation ay QC-RTC.

Ang e-Court ay naglalayong maisakatuparan ang paperless and zero backlog sa Judiciary.

Kaya pagkatapos ng hearing, dala na ng magkabilang panig ang bagong order ng court at hindi na kailangan hintayin ang pagpapadala nito sa Koreo o private courier.

Ayon sa mga abogado, sa ilalim ng e-Court, ang bawat dokumento ay anim na kopya lamang plus ‘yung soft copy in PDF file. Hindi gaya nang dati na 26 kopya ang hinihingi ng korte.

Magastos na sa papel at tinta, very bulky pa sa filing ng court.

Pero kung dati ay nakapagdaraos ng hearing para sa hanggang 10 kaso, ngayon ay posibleng maging anim (6) na kaso na lamang ang maging maximum bawat hearing dahil tinatapos nga ang pagdodokumento.

Anyway, naniniwala tayo na mas pabor ito sa lahat ng panig para sa mabilis na paggulong ng katarungan sa nagdemanda at sa idinemanda.

Mukhang kailangan lang nang malaking adjustment sa umpisa pero pasasaan ba’t mape-perfect din ‘yan ng ating mga korte.

Kaya kung dati nang efficient at diligent ang sala ni Judge Evangeline C. Castillo-Marigomen, tiyak na mas lalo pa sa mga susunod na araw.

Kudos sa e-Court ng Supreme Court!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *