Monday , December 23 2024

Fil-Chinese businessmen tameme sa China bullying?

 

061315 PH pinas China

ISA tayo sa mga nalulungkot sa pananahimik ng mga Filipino-Chinese businessmen sa ginagawang pambabastos ng China sa teritoryo ng Pinas.

Iba’t ibang grupo at maraming indibidwal na ang pumosisyon laban sa pambu-bully at pananakop ng China sa mga islang pasok sa ating teritoryo.

Sunod-sunod ang mga protesta sa iba’t ibang pamamaraan — gaya ng pagpapapirma sa petisyon, vigil, rally, pagbo-boycott, hunger strike at pagsunog ng bandila ng China.

Iba’t ibang grupo na po ang gumawa niyan pero mayroon pong isang malaking grupo ng mga negosyante ang ayaw kumibo.

‘Yan po ang Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry (FFCCCI) Inc., na hanggang ngayon ay nananahimik sa ginagawang panggugulang ng China.

Alam natin na mga negosyante sila at may inaalagaang interes pero dapat nilang alalahanin na una sa lahat, sila at ang iba pang mamamayan na naninirahan dito ay may tungkulin na ipagtanggol ang ating bansa lalo na kung mayroong armadong agresyon mula sa panlabas na puwersa.

Alam din natin na marami sa mga miyembro ng FFCCCII ay may ugat sa bansang China.

Pero dapat nilang isipin na sila ay kinalinga at umunlad sa bansang ito. Dito sila nakadama ng yaman at ginhawa na kakaiba sa bansang China.

Kung nakapagpupundar sila ng malalaking angkan dito sa Pinas, sa China, sila ay hindi puwedeng hindi sumunod sa one-child policy.

Sa Pinas, pwede silang magkaroon ng yaya, kusinera, labandera, plantsadora, tagamasahe, driver at iba pang kawaksi sa pagsi-sinop ng kanilang bahay at tahanan.

Sa China, sila at sila lang ang gagawa nang lahat nang ‘yan.

Ngayong ginigipit ng kanilang pinagmulang lahi ang bansa na nagpala sa kanila, gusto nating ipakita at ipadama nila na mayroon silang malasakit sa bansang nagsilbing kanlungan ng kanilang mga pangarap, adhikain at kaginhawaan sa buhay.

Kung hindi nila gagawin ito, malamang dumating ang panahon na mismong ang mga kalahi nila ang umusig sa kanila.

Dapat silang pumosisyon, kung pabor sila sa ginagawa ng China, umuwi sila sa China.

Kung nais nilang manatili sa Pinas, kondenahin nila ang ginagawa ng China.

Ganoon lang kasimple.

Ang importante, magdeklara sila ng posisyon.

‘Yun lang.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *