Wednesday , December 25 2024

Fil-Chinese businessmen tameme sa China bullying?

 

00 Bulabugin jerry yap jsy

ISA tayo sa mga nalulungkot sa pananahimik ng mga Filipino-Chinese businessmen sa ginagawang pambabastos ng China sa teritoryo ng Pinas.

Iba’t ibang grupo at maraming indibidwal na ang pumosisyon laban sa pambu-bully at pananakop ng China sa mga islang pasok sa ating teritoryo.

Sunod-sunod ang mga protesta sa iba’t ibang pamamaraan — gaya ng pagpapapirma sa petisyon, vigil, rally, pagbo-boycott, hunger strike at pagsunog ng bandila ng China.

Iba’t ibang grupo na po ang gumawa niyan pero mayroon pong isang malaking grupo ng mga negosyante ang ayaw kumibo.

‘Yan po ang Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry (FFCCCI) Inc., na hanggang ngayon ay nananahimik sa ginagawang panggugulang ng China.

Alam natin na mga negosyante sila at may inaalagaang interes pero dapat nilang alalahanin na una sa lahat, sila at ang iba pang mamamayan na naninirahan dito ay may tungkulin na ipagtanggol ang ating bansa lalo na kung mayroong armadong agresyon mula sa panlabas na puwersa.

Alam din natin na marami sa mga miyembro ng FFCCCII ay may ugat sa bansang China.

Pero dapat nilang isipin na sila ay kinalinga at umunlad sa bansang ito. Dito sila nakadama ng yaman at ginhawa na kakaiba sa bansang China.

Kung nakapagpupundar sila ng malalaking angkan dito sa Pinas, sa China, sila ay hindi puwedeng hindi sumunod sa one-child policy.

Sa Pinas, pwede silang magkaroon ng yaya, kusinera, labandera, plantsadora, tagamasahe, driver at iba pang kawaksi sa pagsi-sinop ng kanilang bahay at tahanan.

Sa China, sila at sila lang ang gagawa nang lahat nang ‘yan.

Ngayong ginigipit ng kanilang pinagmulang lahi ang bansa na nagpala sa kanila, gusto nating ipakita at ipadama nila na mayroon silang malasakit sa bansang nagsilbing kanlungan ng kanilang mga pangarap, adhikain at kaginhawaan sa buhay.

Kung hindi nila gagawin ito, malamang dumating ang panahon na mismong ang mga kalahi nila ang umusig sa kanila.

Dapat silang pumosisyon, kung pabor sila sa ginagawa ng China, umuwi sila sa China.

Kung nais nilang manatili sa Pinas, kondenahin nila ang ginagawa ng China.

Ganoon lang kasimple.

Ang importante, magdeklara sila ng posisyon.

‘Yun lang.

DELUBYO SA BORACAY POSIBLENG MAULIT

SA HULING biyahe ng inyong lingkod sa naging komersiyal na paraiso ng Boracay, nakita na natin ang trahedya ng malaking sunog.

At nangyari nga.

Inuulit ko, hindi tayo natutuwa na nangyayari ang mga kinatatakutan natin.

Pero kung mapupunta po kayo sa Boracay, kikilabutan kayo sa napakasikip at magulong kalsada at dikit-dikit na mga establisyemento.

Wala po tayong nakitang kalsada sa isla ng Boracay na puwedeng daanan ng fire truck kung sakali.

Mabuti na lamang at walang nagbuwis ng buhay sa 4-ektaryang komunidad na nasunog nitong Miyerkoles.

Pero marami talaga ang natakot at walang nagawa kundi sambutin nang sambutin kung ano ang puwede nilang kunin sa kanilang mga bahay habang gumagapang ang apoy sa apat na ektaryang komunidad.

Nagtataka tayo kung bakit, hindi kumuha ng magagaling na urban planner ang pamahalaang-isla ng Boracay nang sa gayon ay naisaayos ang ZONING ng kanilang lugar.

Wala nang magagawa ang local na pamahalaan kundi isaayos at i-regulate na lang ang pagpasok ng iba-ibang negosyante at iba’t ibang lahi sa Boracay dahil naging international tourist destination na ang isla.

Hindi maikakailang malaki ang binabayarang buwis ng mga negosyante at mga dumarayo sa nasabing isla, kaya hindi puwedeng ikatuwiran ng LGU na wala silang kakayahan para isaayos ang urban planning ng Boracay.

Huwag na sanang hintayin ng LGU na magkaroon pa ng isang malaking trahedya sa isla at muli na naman tayong kondenahin ng buong mundo, bago isaayos ang gumugulong isla ng Boracay.

DILG Secretary Mar Roxas, gusto mo bang pangunahan ‘yan?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *