Mas may delicadeza si Immigration Ex-Commissioner Ricardo David Jr.
Jerry Yap
June 18, 2015
Bulabugin
Pinatunayan ni dating Immigration Commissioner Ricardo David Jr., na mayroon siyang delicadeza dahil nang madawit ang kanyang pangalan sa kontrobersiya, siya ay boluntaryong nagbitiw sa kanyang puwesto sa Bureau of Immigration (BI).
At dahil doon, nagkaroon ng pagkakataon si ret. Gen. Ric David na mag-”grand graceful exit” sa Bureau na minsan niyang minahal.
Kumbaga, hanggang sa huling araw ng panunungkulan ay naninindigan si David na siya ay mayroong integridad.
At bilang isang military man ay nakita rin sa kanya ang pagiging ‘an officer & a gentleman.’
Kaya naman kahit napupuna natin si David noong araw ay saludo pa rin tayo sa kanya!
(Isa lang naman daw ang matigas ang dila ‘este’ mukha d’yan sa BI, ‘yung isang opisyal na kinatatakutan ngayon nang lahat dahil parang ‘hari’ at ‘diktador’ na hindi dapat mabali ang utos!?)
Nitong mga nakaraang linggo, nasangkot sa kontrobersiya ang BI nang pumutok sa isang broadsheet ang balita tungkol sa binansagang Chinese crime lord na si Wang Bo na umano’y nakatakdang magbigay ng payola sa mga mambabatas na papabor sa Bangsamoro Basic Law (BBL).
Mahigit P500 milyones ang pinag-uusapang halaga sa kontrobersiyang ito na dinadawit ang pangalan ng dalawang BI associate commissioners.
Pero agad pumalag sina BI Associate Commissioners Abdullah Mangotara at Gilbert Repizo sa balitang ‘yun na halatang-halata na demolition job sa kanila at sa Liberal party.
S’yempre hindi natuwa ang Palasyo dahil nakaladkad rin ang Malacañang sa nasabing ‘black propaganda’ na gawa umano ng isang media sulsoltant ‘este consultant d’yan sa BI main office.
Pero ang higit na nakagugulat nang maglabas ng praise ‘este press release si Mison through his spokesperson, Atty. Elaine Tan, na sinasabing hindi magre-resign ang huli.
Ayon kay Atty. Tan, ang nasabing black propaganda ay kagagawan pa umano ng isang cabinet official mula sa makakaliwang grupo.
Gusto umano ng nasabing cabinet official, na kopohin ang BI para gamitin ang resources nito para sa 2016 elections.
What the fact, Atty. Tan!?
Pero nang muling pumutok ang istoryang ito sa parehong pahayagan, at nag-react ang isang gabinete ni Pnoy ay muli na namang nag-deny to death ang BI spokesperson.
Wala umano siyang ipinalalabas na ganoong pahayag o kahit ang kanyang bossing na si Mison.
Hello?!
Ano ‘yang press statement na natanggap ng mga reporter sa Malacañang?
Guniguni?!
Ay sus!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com