Wednesday , November 20 2024

BI Chief Fred Mison ‘Suki’ na ng Ombudsman

misonNAGKASUSON-SUSON na ang reklamo laban kay Immigration Commissioner Siegfred Mison sa Ombudsman.

Bago magsara ang nakaraang linggo, sinampahan si Mison ng kaso sa Ombudsman ni Immigration Intelligence chief, Atty. Faizal Hussin.

Partikular na inireklamo ni Intel chief Atty. Hussin ang paglabag ni Mison sa Section 3 (a) at (e) ng Republic Act 3019 kaugnay ng Section 284 ng Government Accounting Rules and Regulations (GARR) sa pamamagitan ng patuloy na pagtanggap ng overtime pay at mga bonus mula sa Express Lane Trust Fund na nakalaan lamang para sa mga empleyado ng nasabing ahensiya.

Base sa nasabing batas si Mison, bilang chief executive officer ng bureau, ay HINDI entitled sa overtime pay sa ilalim ng Sec. 284 ng GARR, na nagsasabing ang pagbabayad ng overtime service ay sakop ang mga opisyal na umuokupa ng mga posisyong kinabibilangan ng mga department secretary, undersecretary, assistant secretary, bureau at regional direktor, at iba pa.

Sabi ni Atty. Faizal, mulat si Mison na isang abogado, na bilang commissioner ng bureau siya ay hindi dapat tumatanggap ng overtime pay. Pero ang kinukubra umano buwan-buwan ni Mison ay hindi bababa sa P75,000, bukod pa ‘yan sa mga bonus at iba pang mga emolument na minamandato lamang para sa BI rank and file employees,” punto ni Hussin sa kanyang complaint affidavit.

Tsk tsk tsk…

Ang ginagawa umano ni Mison na pagkakaloob sa kanyang sarili ng overtime pay ay dahil sa pag-impluwensiya sa isang opisyal (hepe ng BI financial management division at iba pa).

Malinaw na nilalabag niya ang mga alituntunin at regulasyon na isinabatas ng competent authority.

Mantakin ninyong tuwing tumatanggap si Mison ng overtime pay ay pinagkakaitan niya ng benepisyo ang mga rank and file employee mula sa kanilang Express Trust Fund?!

Anong klaseng bureau chief si Mison na mas uunahin ang pakinabang ng kanyang sariling bulsa kahit labag sa batas?!

Kaya hindi na tayo nagtataka kung hinihiling na ng mga empleyado ang agarang pagbibitiw ni Mison dahil sa pagkakasangkot sa suhulan para sa Liberal Party (LP) at usapin ng Bangsamoro Basic Law (BBL) at iba pang kontrobersiya na nakasira sa kredibilidad ng BI bilang isang ahensiya ng pamahalaan.

Ayon sa mga empleyado, noong una pa lamang na na-reprimand si Mison ng Ombudsman dahil sa pagpa-padding ng konsumong diesel sa pamamagitan ng pagsusumite ng resibong konsumo ng ibang sasakyan ay nawalan na siya ng moral ascendancy para pamunuan ang BI.

Pero mukhang likas daw na kapalmuks si Mison kaya tinawan-tawanan lang niya ang ipinataw na parusa sa kanya ng Ombudsman.

Bukod sa reklamo ni Hussin, kinasuhan din ni intelligence officer Ricardo Cabochan si Mison at lima pang opisyal ng bureau, kabilang ang warden ng BI Detention Facility sa Bicutan, sa paglabag ng Republic Act 6713, o mas kilala bilang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officers and Employees. 

Nakasaad sa reklamo ni Cabochan na lumabag sina Mison at ang kanyang co-accused sa RA 3019, partikular ang Sections 3(a), (e), (h) at (j) at iba pang mga probisyon gayon din ang ilang bahagi ng Revised Penal Code sa ilalim ng Article 223 o 224 na may kaugnayan sa infidelity of custody of prisoners.

Nagreklamo si Cabochan dahil sa sinasabing iregularidad na pinasimunuan ni Mison sa biglaang pagpapalaya at paglalaho ng Chinese national na si Fu Gaofeng, na inaresto dahil napaulat na nagtatrabaho sa Filipinas nang walang kaukulang working visa o permit.

What the fact!

Suking-suki ka na sa Ombudsman, Boy!

Wala pa bang balak si PNOY na pagpahingain muna si Mison diyan sa BI!?

‘Good guys in. Bad guys out,’ ba ang sabi mo Fred ‘valerie’ Mison!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *