Monday , December 23 2024

Ang pagbabalatkayo ‘kuno’ ni FFCCI Pres. Angel Ngu

061315 PH pinas China

Dear Sir,

Hindi ako komporme sa ginawa ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua at sa sinabi ni Mr. Angel Ngu, President of the Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry.

Si Ambassador Zhao Jianhua ay ini-snub niya ang pagdiriwang ng Filipino-Chinese Friendship Day at 40th Anniversary of the establishment of diplomatic relations between China and Philippines noong June 8, 2015. Magsasalita sana siya sa PICC at mangunguna sa ribbon-cutting kasama ang ating Pangulo Benigno C. Aquino III. Si Mr. Angel Ngu ay nagwika, ”I am a Filipino and I love the Philippines but I don’t want the Philippines to have a conflict with where my father came from.”

Wow, ang bigat ng kanilang ginawa at sinabi. Hindi katanggap-tanggap sa ating kulturang Pilipino. Sa atin, dadaluhan natin ang paanyaya kahit mabigat sa ating kalooban na dumalo dahil sa respeto lamang sa institusyon o sa nag-imbita. Na siyang ginawa ng ating Pangulo, dumalo siya.

Sa sinabi naman ni Ms. Ngu, kung talagang Filipino siya sa puso at mahal niya ang Pilipinas dapat walang siyang pasubali. Dapat neutral lamang siya. Kaya lang ano ang ibig niyang sabihin na ayaw niya na ang Pilipinas ay magkaroon ng hidwaan sa China kung saan galing ang kanyang ama. Hindi ba ang China ang nais kumamkam ng ating teritoryo? Dito nakita na ang kanyang pagmamahal ay wala sa puso kundi sa bunganga lamang.

Kayong mga nagbabalatkayo, umalis na kayo sa Pilipinas. Nais ninyo lamang magpayaman sa aming bansa. Wala kayong malasakit sa aming mga Pilipino. Bakit ninyo pinaiiral ang “contractualization” kung kayo ay may malasakit? Nais niyo lang ang malaking kita sa inyong mga negosyo.

SHEREE A. DALMACIO

Makati City

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *