New PCSO admin ‘Maliksi’ pala sa kakuparan!
Jerry Yap
June 12, 2015
Bulabugin

MUKHANG hindi naiintindihan ng bagong administrasyon ngayon sa Philippine Charity and Sweepstakes Office (PCSO) na ang mga lumalapit o inilalapit sa kanila ay “in dire need.”
Ibig pong sabihin, kaya nga po mayroong endorsing authority or endorsing organization para hilingin na mapabilis ang proseso.
‘Yung endorsing authority or endorsing organization, na-screen na nila ‘yung humihingi ng ayuda at napatunayan nilang karapat-dapat kaya nga ini-endorse sa PCSO.
Kaya naman nalungkot tayo nang malaman natin na ‘yung isa sa mga ini-endorse natin sa PCSO na CANCER PATIENT ay sa AGOSTO pa nila pinababalik para ma-interview gayong urgent ang pangangailangan para sa chemotherapy.
And take note po, ‘yung Agosto na ‘yun ay interview pa lamang.
Sonabagan!
‘Wag naman po sana, pero kailangan bang lumala pa ang kalagayan no’ng pasyente bago tulungan ng PCSO?!
God forbid…
Mahal na Pangulo, Anyareee sa inyong newly appointed PCSO chief, Ereneo “Ayong” Maliksi?!
Saan napunta ang kaliksihan niya at biglang kumupad ang proseso ngayon diyan sa PCSO?!
Marami na rin po tayong nai-endorse sa PCSO na sa awa ng Diyos ay nadugtungan ang buhay dahil nga sa mabilis na aksiyon ng mga dating PCSO Chairperson.
Hindi lang po ang inyong lingkod.
Marami rin tayong nakahuhuntahan na mga nagpapadala ng pasyente sa PCSO na nangangailangan ng tulong at agad na naaksiyonan nitong mga nakaraang administrasyon.
Anyareee sa administrasyon mo Chairman Ayong?! Bakit kailangan ninyong pabagalin ang proseso ngayon?!
Hindi naman pwede sabihing wala nang pondo ang PCSO, ‘e ‘yan nga lang ang natatanging obligasyon at tungkulin ng ahensi-yang ‘yan — tulungan ang mga kababayan na-ting nangangailangan.
Nakanenerbiyos naman itong mga pagbabagong ito sa PCSO.
Mantakin ninyong, “in dire need” ‘yung mga pasyente tapos pababalik-balikin lang nila para sabihin na sa Agosto pa ang interview ninyo.
What the fact!
Bakit kapag ‘slot machine’ maliksi, kapag tulong para sa mga pasyente nangangailangan, makupad pa sa pagong?!
Anyareee!!!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com