Thursday , December 26 2024

New PCSO admin ‘Maliksi’ pala sa kakuparan!

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG hindi naiintindihan ng bagong administrasyon ngayon sa Philippine Charity and Sweepstakes Office (PCSO) na ang mga lumalapit o inilalapit sa kanila ay “in dire need.”

Ibig pong sabihin, kaya nga po mayroong endorsing authority or endorsing organization para hilingin na mapabilis ang proseso.

‘Yung endorsing authority or endorsing organization, na-screen na nila ‘yung humihingi ng ayuda at napatunayan nilang karapat-dapat kaya nga ini-endorse sa PCSO.

Kaya naman nalungkot tayo nang malaman natin na ‘yung isa sa mga ini-endorse natin sa PCSO na CANCER PATIENT ay sa AGOSTO pa nila pinababalik para ma-interview gayong urgent ang pangangailangan para sa chemotherapy.

And take note po, ‘yung Agosto na ‘yun  ay interview pa lamang.

Sonabagan!

‘Wag naman po sana, pero kailangan bang lumala pa ang kalagayan no’ng pasyente bago tulungan ng PCSO?!

God forbid…

Mahal na Pangulo, Anyareee sa inyong newly appointed PCSO chief, Ereneo “Ayong”  Maliksi?!

Saan napunta ang kaliksihan niya at biglang kumupad ang proseso ngayon diyan sa PCSO?!

Marami na rin po tayong nai-endorse sa PCSO na sa awa ng Diyos ay nadugtungan ang buhay dahil nga sa mabilis na aksiyon ng mga dating PCSO Chairperson.

Hindi lang po ang inyong lingkod.

Marami rin tayong nakahuhuntahan na mga nagpapadala ng pasyente sa PCSO na nangangailangan ng tulong at agad na naaksiyonan nitong mga nakaraang administrasyon.

Anyareee sa administrasyon mo Chairman Ayong?! Bakit kailangan ninyong pabagalin ang proseso ngayon?!

Hindi naman pwede sabihing wala nang pondo ang PCSO, ‘e ‘yan nga lang ang natatanging obligasyon at tungkulin ng ahensi-yang ‘yan — tulungan ang mga kababayan na-ting nangangailangan.

Nakanenerbiyos naman itong mga pagbabagong ito sa PCSO.

Mantakin ninyong, “in dire need” ‘yung mga pasyente  tapos pababalik-balikin lang nila para sabihin na sa Agosto pa ang interview ninyo.

What the fact!

Bakit kapag ‘slot machine’ maliksi, kapag tulong para sa mga pasyente nangangailangan, makupad pa sa pagong?!

Anyareee!!!                      

Proof of Life requirement sa mga “ini-destierro” na BI Intel Officers

Isa pang sinabing pang-aabuso sa kara-patang pantao ng mga ‘itinapon’ na Immigration intelligence officers sa iba’t ibang border crossing points sa bansa ay ‘yung inire-require sila at kinakailangan daw bumili ng bagong diyaryo (newspaper) araw-araw para sa selfie photo at i-post sa FB bilang patunay na naroon sa kanilang area of assignment.

‘Yun bang, parang kidnap-for-ransom na ang biktima ay pipiktyuran para sa proof of life sa pamilya upang magbayad ng ransom.

What the fact!?

At kung wala raw mabiling newspaper sa lugar, kailangan pumunta sa Municipal hall para upang doon mag-time in at time-out?!

SOJ Leila de Lima, ganyan na ba kalupit ang patakaran ngayon sa Bureau of Immigration?

Ito ba ang daang matuwid ni PNoy sa Bureau of Immigration!?

Mr. Lito Velarde maraming salamat din po sa inyong pagtitiwala

GOOD  pm  po  sir  Jerry muli po ang aming taos pusong pasasalamat sa inyong tulong na mai-post sa FB ang reklamo namin sa annoying reminders ng PLDT. Nakita po namin ngayon hapon ang inyong new post sa pagtatanggal nila sa annoying reminders.

Alam ko po hindi sapat ang aming mga pangungusap upang pasalamatan kayo at ang inyong matapang at matuwid na pagsasamadla ng mga maling gawain ‘di lang ng opisyal at awtoridad ng ating pamahalaan kundi gayundin ng mga pribadong establisimento at mga lawless element ng ating bansa. Patnubayan nawa kayo ng Dios at laging malagay sa kanyang pag-iingat upang patuloy ninyo pang maipagpatuloy ang inyong mahalagang gawain sa ating lipunan.

More power to you brave officer and staff of HATAW! 

Gumagalang,

Lito Velarde

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *