Friday , November 22 2024

Puwesto ni BI Commissioner Siegfred Mison target ng kaliwa na nasa Palasyo?!

00 Bulabugin jerry yap jsyMABIGAT ang akusasyon ni Bureau of Immigration (BI) spokesperson Atty. Elaine Tan na interesado umano ang isang cabinet secretary para kontrolin ang nasabing ahensiya.

Ayon kay Atty. Tan, “even if they won’t admit it, it is obvious that a leftist group within the Aquino administration was behind all these intrigues who wanted Mison out of the bureau.”  

Hindi man tinukoy ni Atty. Tan ang pangalan ng nasabing Cabinet Secretary, pero marami ang naniniwala na ang tinutukoy niya ay si Presidential Adviser Ronald Llamas, isang prominenteng aktibista bago mahirang sa Gabinete ni PNoy.

Ayon pa umano kay Atty. Tan, target daw ng mga leftist sa Gabinete ni PNoy ang Bureau dahil maaari nilang gamitin ang resources nito sa darating na 2016 elections.

Aba, sa tono ng pananalita ni Atty. Tan ‘e parang private property na nila ang Immigration.

Para bang, ‘yang mga puwesto na ‘yan ‘e hindi na pwedeng mapunta sa iba at sa kanila na lang.

Tsk tsk tsk …    

 Palagay natin ‘e dapat magpaliwanag si Secretary Llamas sa akusasyon na ito ni Atty. Tan.

Totoo ba Secretary Llamas na gusto mong kopohin ang BI?!

Pakisagot na nga po!

Road convergence ng DOT at DPWH quo vadis!?

ANO ba naman ito?  Ang sakit sa head!

Sa simpleng pagkakaalam ni Juan dela Cruz sa sistema ng appropriation ng Kongreso, ang lahat ng kailangan at dapat na gastusin sa buong taon ng bawat departamento ay isinusumite sa Kongreso para ang mga makokolektang buwis mula kay Juan dela Cruz ay magamit nang tama at maayos. Ganoon kasimple lang ‘di ba?

‘E Bakit nauubos ang pondo sa isang proyekto na nakatengga lang!?

Ang Road Convergence ay isa sa mga proyekto ng DOT at DPWH para sa mga tourist destination sa ating bansa. Matagal na ang proyektong ito. Katunayan maraming mga kalsada ang nagawa na. Tapos na para madaling mapuntahan ng mga turista ang magagandang lugar sa ating bansa.

Ito ‘yung daan maliit man o malaki patungo sa liblib na lugar upang matunghayan ang kagandahan ng isang lugar na biyaya ng Kalikasan.

Sa hearing na ginawa ng Komite ng Department of Public Works and Highways and Department of Tourism (DPWH-DOT) Convergence Program, lumalabas na may infra projects ang programang ito na mga bitin at hindi pa natapos.

What the fact!?

Kaya naman gustong linawin ng Kongreso na bakit ganyan ang nangyari sa nasabing pondo?

At saan napunta ang pondo para rito na inaprubahan ng mga deputado pero nakatiwangwang lang at hindi matapos-tapos ang proyekto!?

Aba’y salapi ng bayan ‘yan!

Gusto namin malaman ang detalye kung bakit hindi natapos ang mga road convergence, nabitin ba ang pondo, kapos ba o sapat ang pondo? May ibang dinaluyan na kung saan napunta ang kuwarta ng bayan?

Hindi ba’t sa proposal ng DPWH at DOT ay nakasaad kung saang lugar magkakaroon ng road convergence, naka-estimate o nakadetalye kung magkano ang guguguling halaga para sa proyekto at ito ay inaaprubahan naman sa plenaryo ng Kongreso.

Katunayan ay binubusisi nang husto ito!

Minsan naman, ang ilang representante ay nagtatampo pa lalo na kung ang distrito nila ay walang tourist spot, ‘di ba, mga  kaibigan natin diyan sa DPWH?

Pero ang urirat ni Juan dela Cruz, bakit nagkagayon?! Ipaliwanag ninyong mabuti sa bayan dahil hindi isang kusing ang usapan dito kundi bilyong piso mula sa kaban ng bayan!   

Aba’y quo vadis road convergence at pera ni Juan!? 

VP Binay nangangatog sa eleksiyong ito

MATINDI ang takot ni Binay sa eleksyong ito. Tutuluyan silang mag-ama, si Old and si Junjun pag naluklok si Roxas or si Grace. Lilinisin nila ang korupsyon at hindi na mkakapagtago sa saya ng batas si Binay dahil hindi na siya bise…

[email protected]

Dapat matuto ang mga bobotante sa Maynila

Andami kasing bobotante sa Manila. Nadadala sila ng kasikatan ni Erap. Hindi nila inisip na mandarambong ‘yun na pinatawad lang ni Gloria for security reason na papabor sa kanya ba-lang araw. Di ba’t si Erap ang nagkukumahog ng house arrest para kay Gloria? This election learn your lesson Manileños, kayo pa naman ang nasa capital city ng Pinas…

[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *