NATUTUWA tayo sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).
Hindi sila nagsasawang magpaalala sa sambayanan na sundin ang kanilang konsiyensiya laban sa mga tiwaling politiko lalo na ‘yung mga sentensiyado sa kasong pandarambong.
Ipinaalala rin nila na huwag tangkilikin ang nagtataguyod ng political dynasty.
Sana ay tumimo sa sambayanang Kristiyano ang Pastoral Letter na ito ng CBCP dahil mabuting gabay ito sa pagboto.
Pero s’yempre, mayroon ilang hindi tinatablan ng Pastoral Letter ng CBCP kahit ipinamamarali na saradong Katoliko sila.
Isang halimbawa ‘yung mga politikong sentensiyado sa kasong plunder — Aba! Nakatakbo pa ulit, nanalo at kinatigan pa ng Korte Suprema.
Araykupo!
Ibig sabihin, walang katalab-talab sa kanila ang Pastoral Letter ng CBCP.
‘E ‘yung Pastoral Letter laban sa political dynasty — malaking sampal ‘ata ‘yan sa mga Binay.
Tinablan o tatablan ba sila?!
Para ka lang daw nagbuhos ng holy water sa isang demo——
Tsk tsk tsk…
Kung hindi tinatablan ang mga kapalmuks na politiko, sino ngayon ang magdedesisyon?!
S’yempre po tayong taong bayan.
Kaya pakiusap lang po sa mga gustong i-practice nag kanilang right of suffrage — “WAG NA TAYONG MAGING BOBOTANTE!”
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com