Thursday , December 26 2024

Sen. Chiz Escudero outside the kulambo sa Liberal Party

 

 

 

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG ngayon makakamtan ni Senator Chiz Escudero ang karma nang ipagpalit niya noong nakaraang eleksiyon si Mar Roxas kay VP Jejomar Binay.

Kamakailan lang, ibinunyag nang walang kagatol-gatol ni Liberal Party stalwart and Budget Secretary Butch Abad na hindi kasama si Chiz Escudero sa mga plano ng partido.

Inamin ni Abad na hindi maganda ang iniwang alaala ni Chiz nang buong tapang niyang sabihin na ang kanyang vice president ay may letrang B noong 2010 elections.

Kaya hayan B as in BUMINGO siya kontra LP stalwarts.

Kung ibinasura ni Chiz noon na maging VP si Mar, ngayon naman, hindi lang siya ibinasura ng LP bilang bise presidente. Kundi talagang ni sa hinagap ay hindi siya kasama sa plano ng LP.

Ayon mismo kay Abad, dalawang tao lang ang ikinokonsidera nila para sa  presidente at VP — tanging sina SILG Mar Roxas at si Sen. Grace Poe — period.

May kasabihan, it pays to be loyal.

Bilang organic political stalwart, mayroong tungkulin at obligasyon si Chiz na maging loyal sa kanyang partidong kinaaaniban.

Pero dahil likas sigurong political player, hindi nagawang maging tapat ni Chiz sa Liberal.

Naging liberal lang siya sa kanyang mga pananaw, disposisyon at desisyon — pero hindi siya tunay na diwang LP.

‘Yan pa naman ang ayaw na ayaw ng mga political party stalwarts, ‘yung paglaruan sila…

 ‘E sabi nga, digital na ang karma ngayon hayan rumesbak na ang karma kay Chiz…

Saan ngayon pupulutin ang political career ni Sen. Chiz?

Ampunin kaya siya ng ninong niyang si Danding C.?

Aabangan natin ‘yan!

APD Chief Gen. Jesus Descanzo on the way out!

UY! On the way out na pala si retired police C/Supt. Jesus Gordon Descanzo sa headquarter ng Airport Police Department (APD) na hanggang ngayon ay wala pa ring koryente.

Pero on the way in naman para maging MIAA Assistant General Manager for Security and Emergency (AGM-SES).

CONGRATS po, MIAA assistant manager Descanzo!

Iba talaga kapag pinagpapala ng kasabihang “blood is thicker than water.”

Anyway, wala naman tayong masamang tinapay sa bagong AGM for SES.

Nagkataon lang na ang inyong lingkod ho ang napaghihingahan ng mga kagawad ng APD dahil alam nilang tiyak na makararating sa mga kinauukulan ang kanilang mga hinaing at reklamo.

Masaya na rin ang mga taga-APD na naitalagang AGM for SES si retired C/Supt. Descanzo.

Ngayon nga namang nasa mas mataas na posisyon na si retired C/Supt. Descanzo na kanilang bossing ay baka matugunan na agad ang problema sa koryente ng APD headquarters.

Siyanga pala, dapat na ring matuwa ‘yung mahihilig sa Zumba diyan sa airport dahil tiyak lalong itataguyod ‘yan ni retired C/Supt. Descanzo ngayong nasa higher position na siya.

O kaya, siya mismo ang i-assign ni GM Bodet Honrado para pangunahan ang ‘healthy habit’ na ‘yan para sa Airport employees and officials bago mag-flag raising.

Agidaw!?

Type na type ‘yan ng mga kaibigan nating Bisaya d’yan sa Manila International Airport Authority (MIAA).

Siguro naman matatapos na rin ang long-delayed multi-million CCTV bidding sa kamay ni Gen. Descanzo?

Ang swerte naman ni AGM Descanzo!

By the way, ang isa pa nga palang masisiyahan sa bagong posisyon ni C/Supt. Descanzo ay si MIAA Senior Assistant General Manager (SAGM) Vicente Guerzon Jr.

Dahil nakapasa nga ang credentials ni retired C/Supt. Descanzo for appointment nang iharap sa MIAA Board nitong nakaraang Huwebes, approved without thinking daw ang resulta.

As AGM-SES, hahawakan ni Descanzo ang Intelligence and Pass Control; Airport Police Department; at ang Emergency Services Department.

Sabi nga ni GM Bodet, “I am confident that Gordon Descanzo is suitable for the job of AGM. With his appointment, the office of the SAGM can also stay focused on his duties. I thank Vicente Guerzon for efficiently holding two positions for more than a year.”

O kita na ninyo, loves din talaga ni GM Honrado si SAGM Guerzon.

Panahon na raw para mabawasan naman ang mga tungkulin at responsibilidad na nakaatang sa balikat ni SAGM Guerzon.

At habang wala pang naitatalagang bagong hepe ng APD, mananatili pa rin ito sa hurisdiksiyon ni retired C/Supt. Descanzo.

Ang reaksiyon ng mga Airport police sa promosyon ng kanilang bossing : “Yeheey, magkakaroon na ng koryente ‘ata sa APD headquarters!”

Siya nawa…

Oplan Sita ng MPD w/o signage? (Paging Gen. Rolly nana)

SIR JERRY, tanong lang ho namin kung tama ang sistema ng Oplan Sita. Pati elite force na MPD SWAT ay ngo-oplan-sita. Nakita ho kc namin na walang signage sa madilim na bahagi ng Tondo North Bay Blvd. at sa Adriatico St. Nakakatakot ho kasing makita cla sa madilim na lugar na may mahabang baril. ‘Yun nman mobile ng Tayuman  PCP puro sita lang sa mga delivery truck. +639189933 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *