Wednesday , November 20 2024

Sen. Grace Poe hindi trapo

grace poeSA maagang karera ni Senator Grace Poe sa politika, pinakamahalagang mapansin ng sambayanan na hindi siya kabilang sa isang political dynasty at lalong hindi isang traditional politician (TRAPO).

Kung may natitira pa tayong mga politiko na nasa  tradisyon o hanay ng pagiging “grand politician” in the true essence of these words, palagay ko’y sila ang dapat na dumikit at maging adviser ni Madam Senator  dahil nakapanghihinayang kung later on ay lamunin din siya ng maruming sistema.

Mulat din naman siguro tayo na mayroong ‘military mafia’ na kumukopo sa ating ekonomiya at politka, kumukubabaw sa maraming ahensiya sa ating pamahalaan.

Bukod pa sa kanila ang mga dati nang mga makapangyarihang haciendro at burgesya komprador.

Mayroon diyan sa loob ng ‘military mafia’ na seryosong maiayos ang sistema sa ating bansa pero nariyan din ang mga mapagsamantala at sariling bulsa lang ang iniintindi.

Isa rin sila sa itinuturong dahilan kung bakit lalong lumalawak ang pagitan ng mahihirap at mayayaman.

Napagtagumpayan nila ang kumubabaw sa ating lipunan noong sunod-sunod na kudeta laban sa administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Bawat kudeta siguro ay may nakukuha silang concession sa administrasyon ni Cory na hanggang ngayon ay napakikinabangan nila.

Kaya ‘yang ‘mafia’ na ‘yan ang dapat ingatan o iwasan ni Senator Grace Poe.

Nakikita natin sa kanya ang determinasyon, katapangan at kalinisan ng adhikain, pero hindi natin alam kung hanggang kailan niya ito mapapanatili lalo na’t bawat kampo ngayon ay siya  ang target.

Kung maraming naniniwala kay Senator Grace na maaaring maging tunay na lider dala ang malinis na hangarin para iahon tayo sa political and economic dilemma siguro ngayon pa lang ay totohanin natin ang pagsuporta sa kanya.

Kaysa naman mayroong lumapit sa kanyang mag-o-offer ng tulong pero pagdating ng panahon hihingi naman ng kapalit na maisasakripisyo ang kapakanan ng sambayanan.

Naniniwala ang inyong lingkod na tayong mga mamamayan mismo ay mayroong tungkulin na ipagtanggol at suportahan ang  lider na nakikita nating makatutulong para iahon ang ating bansa…

Pwede na sigurong umpisahan… “SAMPU PARA KAY POE!”         

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *