Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sexy actress dapat bantayan ng sikat na singer actress (Type na type kasi ang papa!)

 

00 vongga chika peterFINALLY, natupad na ang ilusyon ng petite na sexy actress na makatambal ang matagal nang type na hunky actor na boyfriend ngayon ng sikat na singer actress.

Kalokah! Sa sobrang pagka-dead raw ng ate natin sa papabale at papalicious actor ay inalam talaga niya kung ilang days silang magkakakasam sa shooting. Kasi ang plano niya para mawili sa kanya ang leading man ay dadalhan niya ng food sa set. Well wala naman daw sa bucket lists ni actress ang ahasin si actor sa girlfriend na mahinhing celebrity. Ang gusto lang daw niya ay mapansin siya at kung mabibigyan ng bonus ay magkatikiman sila.

Aba’y parang tumama na ng jackpot sa lotto ang hitad. Siguro dapat lakasan ngayon ni singer actress ang kanyang pang-amoy at minsan magbantay rin siya sa set dahil mahirap na at baka tuluyang malawayan ang boyfriend na sobra pa naman niyang labs.

Alalahanin niya na mainit ang kanyang Papa dahil may foreign blood ito at wala pang chorva sa kanya. Kapag manok na ang lumapit sa palay ay siguradong 100% ay tutuka siya.

So girl, be aware ka gyud!

PAGIGING MAGKAPATID NINA GAEL (JERICHO) AT CARLOS (PAULO) NADISKUBRE NA DAHIL SA NANGYARING SUNOG SA “BRIDGES OF LOVE”

Dahil sa utos ng kanyang kinikilalang Daddy na si Lorenzo (Edu Manzano) na isabotahe si Architect Gabriel Napkil (Jericho Rosales). Muntik nang malagay sa kapahamakan si Carlos (Paulo Avelino) nang puntahan niya si Architect Napkil sa office ng huli na sinunog ng mga tauhan ni Lorenzo.

Mabuti na lang at bukod sa mabilis ay may presence of mind si Gael at nailigtas niya si Carlos sa nasabing sunog na pwedeng kumitil ng kanilang buhay. Habang tinatanggal ang kanilang mga tali sa kamay ay parehong bumalik sa alaala ng dalawa ang ginawang praktisan noon ni Gael ang kapatid na si JR (Carlos) sa pagbaklas ng tali sa sarili. Kitang-kita sa reaction ng mukha ni Carlos na maluha-luha habang bumabalik sa kanya ang nakaraan sa kanila ng nakatatandang kapatid na si Gabriel.

Pero in denial si Carlos at gusto niyang tanggalin sa kanyang isipan na hindi siya si JR. Hanggang kailan niya maitatago sa kanyang sarili ang tunay na pagkatao. Magagawa ba niyang kalimutan na lang ang pagiging magkapatid nila ni Gael dahil lamang kay Mia (Maja Salvador) na pareho nilang minamahal ng kanyang Kuya, na inakalang patay na sa matagal na panahon.

Abangan ang lahat ng kasagutan at ang iba pang mga kapanapanabik na eksena sa pinag-uusapang teleserye sa Primetime Bida ng Kapamiya network na “Bridges of Love,” na napapanood Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng bagong hit na teleseryeng “Pangako Sa‘Yo” mula pa rin sa Star Creatives.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …