ISASAMPA na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang third batch ng mga politikong sangkot sa P10-billion pork barrel scam.
Isang senador (Sen. Gregorio Honasan II) at pitong kaalyado ni PNoy na sina Joel Villanueva, chief ng Technical Education and Skills Development Authority (Tesda), Rep. Rufus Rodriguez ng Cagayan De Oro, La Union Rep. Victor Ortega, Gov. Manuel Ortega at dalawa pang mambabatas.
Kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices at malversation ang ihahain laban sa pito dahil umano sa maling paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel sa pamamagitan ng ghost projects at pekeng non-government organizations (NGOs) ni Janet Lim-Napoles.
Hinihintay na lang umano ang “go signal” ni Justice Secretary Leila De Lima para sa pagsasampa ng nasabing kaso.
Aba, ‘di ba matagal nang hinihintay ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa P10-B pork barrel scam?
Actually, marami na ang naiinip. Kaya naman marami ang nagtataka kung bakit tila nagpapatawing-tawing pa si Madam Leila sa pagsasampa ng kaso sa 3rd batch na sangkot sa pork barrel scam.
Go signal ba talaga ni Madam Leila ang hinihintay o go signal ng mga taga-Malacañang?!
Pakisagot na nga po Madam Leila?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com