PARANG napunta raw sa Ocean Park ang mga empleyado at pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nang bumuhos ang malakas na ulan nitong nakaraang linggo.
Nag-trending pa nga sa social media ang kuhang retrato ni NAIA press corps president Raoul Esperas sa nasabing insidente.
‘E paano ba naman, pagbuhos ng ulan, tumagas sa kisame deretso sa baldosa, hayun naglawa sa NAIA T1.
Mabilis na nagpayong ang mga empleyado at pasahero para huwag mabasa ng ulan habang kumuha naman ng timba at balde ang utility workers para huwag tuluyang magkaroon ng ‘swimming pool’ sa ‘newly-rehabilitated’ NAIA terminal 1 under D.M. Consunji Inc. (DMCI) na mayroong P1.4 bilyon ang inilaang budget ng gobyerno.
Ano ba ‘yan?!
Parang ulan na lang ba na mapupunta sa kanal ang P1.4 bilyon gastos mula sa taxpayers’ money?!
Bilyon po ‘yan, hindi milyon. Tapos water proofing lang, hindi pa nagawa nang ma-ayos?!
What the fact?!
Mukhang pagkatapos kumita ng DMCI, ‘e hindi na tiniyak na magiging pulido ang kanilang trabaho.
Bakit kapag private ang kliyente ng DMCI, maayos naman ang kanilang trabaho?! ‘E bakit kapag proyekto sa gobyerno, palpak ang DMCI?!
Magkano kaya ang totoong budget na nahawakan ng DMCI at tila tinipid ang rehabilitation sa NAIA Terminal 1?!
Pwede bang paimbestigahan ni GM Bodet Honrado ‘yan?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com