Tuesday , November 19 2024

MPD official kinuyog ng Divisoria vendors (Napuno na ang salop?)

 

A clenched fist

NABALITAAN natin na hindi maganda ang naging karanasan at nanganib ang buhay ni Manila Police District BC DPSB chief S/Supt. Marcelino Pedrozo, Jr., sa Divisoria vendors.

Naglunsad umano ng clearing operations ang grupo ni Kernel Pedrozo sa Divisoria area, pero nang pakialaman at tangkang sisirain o kokompiskahn ang mga paninda nila, nagalit ang mga vendor at kinuyog umano ang ilang pulis na nagkataong kasama doon si Kernel Pedrozo.

Mabuti na lamang at walang masamang nangyari kay Kernel Pedrozo. Buti na lang at walang nanaksak o namukpok ng bote at mabilis na naitakbo agad sa ospital ang MPD official.

Ayon sa ilang sentimyento na narinig natin, masama na raw talaga ng loob ng mga vendor.

Matagal na raw kasi silang nagtitinda sa area na ‘yan pero parang walang pagsisikap ang ilang local officials na isaayos ang kanilang kalagayan.

Kung kukuwentahin naman umano ang perang naibibigay nila sa mga nagpapaikot, halos malaki pa sa gastos nila kapag naglalakad ng permit sa city hall.

At isa ‘yun sa sama ng loob nila. May permit na sila pero sandamakmak na yunit ang umiikot sa kanila para sa ‘tara’ na hindi naman nila matanggihan dahil tiyak mapeperhuwisyo sila nang husto.

Isa pang sentimyento, nagbibigay na umano sila, sinasagasaan pa sila ng mga clearing operations at sinisira pa ang paninda nila.

Malaking perhuwisyo nga naman ‘yan para sa kanilang kabuhayan.

Maghapon, magdamag na nga naman silang naghahanapbuhay para huwag makapamerhuwisyo sa kapwa pero parang sila naman ang ginigipit nang husto.

‘Yan ang dapat paimbestigahan ni Kernel Pedrozo. Sino-sino sa mga tao niya ang panay ang orbit sa mga vendor at namemerhuwisyo pa.

By the way, déjà vu ba ito Kernel Pedrozo?!

Naalala mo ba noong kinuyog ka ng mga adik sa Balic-Balic noong senior inspector ka pa lang at nakatalaga sa MPD Sta. Mesa station?!

Mukhang kailangan mong dagdagan ang agimat mo sa katawan, Kernel, lalo na kung papasok ka sa mga ‘clearing’ operations.

Ingat-ingat din kapag may time.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *