Monday , December 23 2024

Police security ng pul-politiko babawiin sa eleksiyon

00 Bulabugin jerry yap jsyILANG buwan na lang at tatanggalan na ng police security ang mga pulpol ‘este politiko.

Magaganap ‘yan kapag opisyal nang pumasok ang election period, ayon sa PNP Police Security and Protection Group (PSPG).

Epektibo ito, oras na maghain ng certificate of candidacy ang mga nasabing opisyal.

Tumpak lang naman ‘yan!

Lalo na siguro ‘yung mga sandamakmak ang mga police security na ginagawa pang ‘driver’ ng kanilang mga anak sa pagpasok sa eskuwela at trabaho. 

Mantakin ninyo, pinasusuweldo ng taong bayan pero naglilingkod sa mga politikong sinusuweldohan din ng taong bayan.

Bukod sa mga politiko, mayroon din ilang VIP ang nag-a-avail ng police security.

‘Yun lang, mukhang malapit na rin silang matanggalan ng police escort/bodyguard.

Pero ayon mismo sa PSPG, mayroon din daw nakalulusot na ilang hindi politiko at lalong hindi VIP pero nabibigyan ng police security.

Hindi lang isa ang police escort nila, kundi sandamakmak pa para maging security/driver ng kanilang pamilya.

Tsk tsk tsk…

Makikita rin ang mga police escort na ‘yan sa mga Casino, na nagmumukhang mga ‘pitbull’ kababantay sa kanilang mga inieskortang dayuhan. 

Kaya nga raw aalog-alog ang mga pulis sa Metro Manila headquarters, stations and PCP, ‘e dahil ginawa na lang escort ng mga politiko, VIP at non-VIPs.

Paging, SILG Mar Roxas po!        

BI intel officers ipinagtatapon (Nadamay sa Mison vs Hussin/Cabochan)

PERSONALAN na raw ang nagiging labanan ngayon sa pagitan ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Fred ‘valerie’ Mison at ng dalawang (2) Intelligence officers na sina Atty. Faisal Hussin at Ricardo Cabochan.

Uminit lalo ang tumbong nitong si Lolo ‘este Mison nang sumabog ang balita  na nag-file ng complaint sa Ombudsman si I/O Cabochan laban sa kanya at sa ilang airport IOs na sumunod lang sa instruction sa kanila.

Kasama rin sa nagpupuyos na galit ni Mison ay nang mapaghinalaan daw si Atty. Hussin na siyang nasa likod umano ng mga pasabog sa diyaryo na lumabas noong isang linggo na mahigit sa 10 pahayagan ang naglabas ng istorya maging ang raket umano sa lifting of blacklist orders na siya raw ngayon malakas na pinagkakakitaan sa Commissioner’s office.

 Ano kaya ang masasabi ni Chief of Staff Atty. Manuel Plantsa ‘este Plaza sa isyung ito? Dahil dito binuweltahan lahat ng mga BI Intelligence officers and agents na identified sa grupo o ‘yung mga tinatawag na tropapips nina Atty. Hussin at Cabochan.

Biglang naglabas si Mison ng personnel order na ipinagtatapon sa iba’t ibang border crossing ports ang mga pobreng Intel officers.

May mga itinapon sa dulo ng Palawan, Zamboanga at Tawi-tawi, pero ang mas masaklap inalisan pa sila ng overtime pay.

Wala rin budget na ibinigay para sa kanilang board and lodging.

What the fact!?

Aba maliwanag na namemersonal at abuse of authority na yata ‘yan, Atty. Norman Tancinco!?

Karamihan rito ay nagsasabing inosente at wala silang kinalaman sa gulo kaya ganoon na lang ang hinanakit at galit ng mga naapektohan!

Sa mga nangyayari, malinaw na sobrang paglabag na sa karapatan ng isang tao o manggagawa ang diskarte nitong si Mison?

Kitang-kita raw na may evidence of bad faith ang action ni Miswa ‘este Mison.

Maliwanag din na ang ginawa niyang pagpapatapon sa Intelligence officers and agents sa border crossing points ay isang uri ng constructive dismissal.

Ang maipapayo lang natin sa mga apektadong tiga-Intel sa pamemersonal sa inyo, panahon na siguro na magsama-sama kayo para ipaglaban ang karapatan n’yo at patunayan na buo pa rin ang mga yag-bols ninyo.

 Ano pang hinihintay ninyo? Nanditan ang Ombudsman, Civil Service at RTC. Nandiyan rin ang Kongreso.

Ito na ang pagkakataon para ipakita ang tunay na “good guys in; bad guys out” sa Bureau!

Opisyal ng organized vending program ni Erap sinibak sa pwesto!?

 Kamakailan pumutok ang balita sa Manila city hall na pinatalsik na ni Yorme Erap ang isang opisyal ng organized kotong ‘este’ ven-ding program. ‘Yan ay dahil umano sa problema sa remittances ng milyones na koleksiyon mula sa Divisoria vendors.

Base sa mga nagkalat na istorya sa Manila City hall at MPD Press office, nabigo raw mag-entrega ang isang BORROMEO ng tumatagin-ting na P3.7 milyon kita sa loob ng isang buwan mula sa 300 pobre at naghihirap na mga vegetable at fruit vendrs sa  Divisoria!?

What the fact!?

Pang-ilan na ba ito?! Si Borromeo na sinibak ni Manila Yorme Erap Estrada sa mga anomalya d’yan sa organized vending program n’ya!? 

Ang unang sinibak ay isang Konsuhol ‘este’ konsehal, ex-bgy ghairman; Sy, Ex-Convict Scultor, isang opisyal sa city hall.

Mukhang may mina pala ng ginto riyan sa organized vending kaya pala marami ang ‘nauulol’ dyan?!

Ang tanong, bakit hindi sinampahan ng kaso ni Erap ang mga taong nambukol ‘este ‘nanunog’ ng collection sa organized vending?

Milyon-milyong piso ang umano’y naibulsa at hindi nai-remit sa kaban ng Maynila pero bakit hindi ipinahuli at kinasuhan ng alkalde ng Maynila?

Bakit nga kaya!?

Reaction kay SoJ Leila de Lima

Sir Jerry Yap, OA din kung maka-react si Justice Secretary de Lima sa statement ni Mayor Rodrigo Duterte sa pag-amin niya na siya ang nasa likod ng Davao Death Squad.

Ang dapat na binibigyan ng pansin ni Sec. de Lima ay ‘yung mga tunay na biktima ng karapatang pantao. Napapansin natin sa palagiang panonood ng balita, nagsasalita lang ‘yang si De Lima kapag may prominenteng tao na sangkot o di kaya’y kapag miyembro ng rebeldeng grupo ang napatay. Ang dating ‘e parang ang mga tunay na kriminal pa ang mga biktima.  Hindi ko pa nabalitaan na sumang-ayon siya sa mga pulis at kasundaluhan na ginagawa lang naman ang mis-yon at trabaho.  Ang isa pa sa napapansin ko parang walang human rights ang mga sundalo at pulis kapag sila ang namatay sa engkwentro katulad na lang ng nangyari sa Mamasapano, Maguindanao ‘yun ang isa sa mga dapat na binibigyan ng pansin at nararapat na mabigyan ng hustisya. Hindi ‘yung papatulan niya pa sa mga pahayag ni Mayor Duterte para tuloy si-yang bata na naagawan ng candy sa mga komento niya. Ang dapat na sinisingil ni De Lima sa mga krimen na kanilang ginagawa ay mga tulisan na grupong NPA, BIFF, Abu Sayyaf at ‘yung mga drug lord na hanggang ngayon nagpapakasasa kahit nasa loob ng bilangguan! Ronald

[email protected] from Rodriguez, Rizal

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *