UMALMA ang ina ng Teensstar na si Kathryn Bernardo sa kumalat na fake nude photos ng kanyang anak. Inilabas ni Min Bernardo, nanay ni Kath, ang sama ng loob niya sa nagpapakalat ng mga pekeng nude photos ni Kathryn sa internet.
“Happy ba kayo sa mga ginagawa nyo?? Ano ba napapala nyo, kumikiTa at sumisikat siguro kayo??Ano naman ang susunod?? Sana huag kayong makarma.”
Ang naturang post ay na re-tweet ng higit sa 6,000 times at nakakuha ng 7,000 favorites.
Si Karla Estrada naman ay umalalay kay Kathryn sa pa-mamagitan ng post na:
“Wala tayong makukuhang respeto sa taong walang respeto sa sarili”, “Tandaan mo digital na karma ngayon… Ingat!”
Ilang ulit na rin nangyari ang ganitong insidente sa iba’t ibang aktres. Karamihan ay either dinoktor o niretoke lang ang mga nude photo. O kaya ay ka-look-alike lang ng mga artista o celebrtity natin ng mga porn stars sa abroad.
Kaya dapat na maging aware ang mga netizens sa bagay na ito para huwag agad silang maniwala at huwag nang ikalat pa ang ganitong kabulastugan ng ibang mga taong walang magawang mabuti sa buhay.
ni Nonie V. Nicasio