Friday , November 22 2024

Mar Roxas, ikaw na!

00 Bulabugin jerry yap jsyISANG taon bago ang 2016 elections, nagdeklara na si Pangulong Benigno Aquino III kung sino ang magiging pambato ng Liberal Party.

S’yempre walang iba kundi ang herederong si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.

Kung credentials ang pag-uusapan, walang kuwestiyon kay Secretary Mar. Bukod sa matalino, masasabing diligent din siya at determinado. At nakita natin ‘yan sa iba’t ibang gawain o posisyon na naiatang sa kanya, sa panahon ng kanyang panunungkulan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.      

Bago pa man siya pumasok sa larangan ng serbisyo publiko, nasubok na ang kanyang kakayahan sa pamamahala ng kanilang family business. Alalahanin na siya ay isa mga heredero ng Araneta.

Minsan na niyang pinamahalaan ang Araneta Complex na pinaniniwalaang naglagay sa Cubao sa mapa ng mga hi-end commercial centers kasunod ng Greenhills sa San Juan.

Kaya kung pamamahala sa ekonomiya ng bansa ang pag-uusapan, masasabi nating isang tunay na technocrat si Mar Roxas.

Ano ang dapat arestohin ni Mar sa kanyang mga  katangian?!

Unang-una na ang imaheng aristokrato. Normal ito sa kanya, dahil siya ay mula sa lahi ng mga haciendero. Para sa kanyang mga kauri, isang kapita-pitagang imahe ito, pero para sa masa, maa-aring ito ang maglayo ng kanilang kalooban sa kanya.

In short, hindi raw pang-masa ang appeal ni Secretary Mar. Wala siyang charisma sa masa. At mukhang ‘yan ang hindi kaya ng kanyang mga adviser, ang ilapit si Mar sa masa.

Malaki ang pangangailangan ng kampo ni Mar na magkaroon sila ng mga political adviser at political strategist na aaresto sa kanyang Aristocrat image.

Hindi ‘yung lahat na lang ‘sulsultant’ pero walang ‘bilang’ sa popularisasyon ng imahe ni Mar.

Turuan rin sana si Secretary Mar na ibagay ang kanyang pananamit at kilos sa mga lugar na pupuntahan niya. Nagmumukha kasi siyang ‘out of place.’

Ang kanyang Mr. Palengke image ay winasak ng mga photo op nang lumindol sa Bohol at nagtayo ng tent pero naka-office attire. Pinagkarpintero pero halatang-halatang hindi marunong humawak ng  martilyo. Nagbuhat ng bigas pero naka-polo shirt na puti at nakasapatos na katad.

Talaga bang mga kakampi ni Secretary Mar ang nagpagawa sa kanya nang ganyan?!

Pero isa sa personal nating hinahangaan kay Secretary Mar, ‘yung hindi siya nasabit sa kahit anong anomalya at katiwalian. 

No overprices, no kickbacks and no pork barrel.

Hindi rin siya matakaw sa puwesto. Hindi ba’t nakuha niyang magsakripisyo pabor sa mga Aquino?

Ilan lang ‘yan sa mga litaw na magandang katangian ni Secretary Mar bilang isang public servant.

Ano pang hahanapin natin kay Secretary Mar?!

Wala nang iba, si MAR na nga!

Sen. Grace Poe saving grace ng tropang PNoy?

SEN. Grace Poe wg kng ploloko ky P-noy. Kya k tnu2lak 2makbo s pagka-president kc wla clng pmbato s LP pg iba nanalo tyak kaloboso yng tropang P-noy, dmi ng ktwalian kpalpkan ng administrasyon nya #+63926635 – – – –

NAIA T1 sekyu & airport police nagagalit kapag P20 lang ibinigay gusto P50

SIR ung sekyu at pulis jan sa terminal 1 mga abusado ‘yan. Noong sinundo ko ang amo ko jan pumarada ako sandal, sabi sa sekyu ok lng daw basta mgbigay raw ako ng pangkape o P100 pla ang gsto nya kc mghati pa raw cla sa pulis. Nagalit cya kc 20 lng binigay ko. #+63927436 – – – –

Lalong mahihirapan sa pagpapaaral

GOOD morning Sir. Ang hirap sa pagpapaaral dahil ang high school umabot ng grade 12 hindi maganda ang pamamalakad ng gobyerno. Lord our God hear our prayers. thnks po #+63919851 – – – –

BBL hudyat daw ng digmaan sa Mindanao

SIR JERRY mga putyong ang nagpasa ng BBL na ‘yan! ‘Pag natuloy ‘yan ito na ang umpisa ng digmaan ng Christiano at Muslim. Punta kayo d2 sa Mindanao para malaman kung ano ang ugali ng mga muklo na ‘yan. #+63948814 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *