MAHILIG daw talagang ‘lumundag si Justice Secretary Leila De Lima.
Kumbaga, konting putok lang, ‘napapalundag’ kaagad.
In short, mahilig siyang sumawsaw at sumakay agad sa mga bagong issue sa bansa.
Gaya na lang nga nang aminin ni Davao City Mayor Rodrigo ‘Digong’ Duterte na konektado siya sa kinatatakutang Davao Death Squad (DDS).
Aba, biglang pumutok ang butse ni Madam Secretary Leila. Mayroon daw criminal liability si Mayor Duterte.
Hehehe…
Resulta: ayun binanatan siya ngayon sa social media.
‘E kung talagang mayroong dapat panagutan ‘e ‘di sampahan niya ng kaso.
Ilang taon bang naging Chairperson ng Commission on Human Rights (CHR) si madam Leila, at bakit ngayon lang siya nagngangangawa?!
Kung talagang in good faith ang Kalihim ng DOJ sa kanyang pahayag na… “I am just being consistent because I used to be the chair of the CHR (Commission on Human Rights) and I am a human rights advocate and defender…” e bakit hanggang ngayon hindi pa rin nasasampahan ng kaso ‘yung mga mambabatas at opisyal ng gobyerno na kasama sa 3rd batch ng PDAF case?
Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin tayong nababanaagang linaw sa Ampatuan massacre case?
‘Yun hindi matapos-tapos na anomalya sa Bureau of Correction (BuCor)!?
‘Yung mga iregularidad sa Bureau of Immigration (BI) nabubusisi kaya ni Secretary De Lima?
‘E mukhang maging ‘yung balasahan (rotation) na sanhi ng demoralisasyon ng mga kawani at opisyal sa BI ay ‘wala’ rin alam si Madam Leila?!
Hindi ba’t ‘yan dapat ang pagtuunan ng pansin ni Madam Leila?
‘E kapag ganyan ang diskarte niya, malaking minus points kay Madam Secretary ‘yan, lalo na’t nangangarap siyang maging Senador.
Unsolicited advice lang po, kung talagang seryoso sa pagtakbong senador si Madam Leila, ‘e di subukan niyang maghain ng kaso laban kay Digong Duterte.
Patunayan niya sa korte para naman umugong nang husto ang kanyang pangalan.
Ano sa palagay ninyo, Madam Leila?!
Chief warden ng MPD integrated jail sibak na naman!
DALAWANG buwan na ang nakararaan (Marso 2015), nang masibak ang dating chief warden ng Manila Police District – Integrated Jail dahil sa paggamit ng kadena at kandado kapalit ng posas sa apat na preso na ililipat sa Manila City Jail.
Ngayon, sibak na naman ang ipinalit na chief warden na si Insp. Manuel Madlangbayan ‘yan ay dahil naman sa umano’y ‘sex scandal.’
Batay sa reklamo ng isang preso, nagtataka siya kung bakit gabi-gabi ay inilalabas ng chief warden ang kanyang karelasyon na kapwa preso at umaga na ibinabalik.
Nang imbestigahan ni Chief Insp. Arsenio Riparip, hepe ng MPD General Assignment Section (GAS) ang reklamo, napatunayan sa logbook at sa CCTV camera na inilalabas nga ng opisyal tuwing gabi ang babaeng preso, pinapapasok sa kanyang opisina at umaga na ibinabalik sa jail.
Ginagawang palang ‘GRO’ ni warden ang babaeng detainee?!
Sonabagan!!!
Mukhang marami talagang dapat ayusin diyan sa MPD Integrated Jail, District Director Chief Supt. Rolando Nana.
Mukhang mas kailangan i-rehabilitate ang pag-iisip ng mga pulis bago italaga d’yan sa Integrated Jail.
Imbes kasi na ‘yung mga police official ang maka-impluwensiya ng mabuting bagay sa mga preso ‘e sila pa ang lumiligwak sa kagandahang asal.
Ano ba naman ‘yan, Gen. Nana?!
Alam mo ba talaga ang nangyayari sa teritoryo mo!?
May dapat baguhin sa sistema ng hudikatura
PAURONG ang takbo ng bansa natin imbes pasulong. Takot din kasi ang mga hukom kunwari na pagpapatayin sila ng mga hahatulan nila. Dapat siguro sa Pinas ay hindi kilala ng mga tao kung sino ang mga hukom para maingatan ang buhay nila. Dapat kapag may hearing ay para silang si Pinoy Big Brother na boses lang ang maririnig. Dapat din ay hindi alam ng hukom ang names ng hahatulan nila. Dapat ay Person A at Person B lang ang hawak niyang names para patas na patas ang labas ng desisyon. Sa ganitong paraan sa merit ng kaso siya babase at hindi sa pagmumukha ng mga akusado. Sa daming pera nila Erap sino ba naman ang hindi basta kikilabutang bumangga…
Komento sa Sen. Sonny Trillanes kontrabida raw sa pamilya Binay?! (Bida naman sa sambayanan)
CAN’T an iron fist be used to investigate ang mga magnanakaw, instead of pussy footing around them? One gets the feeling that the Laws of the Land are pretty much useless in investigating them.
– Roger G. Lagon
Komento sa: “Express” Lifting Blacklist Order (Attn: SOJ Leila de Lima)
ME nagkwento sa akin. Ito daw yng tao nahuli ng intel Cebu. Na nag offer ng 2M para palayain sya, nang hindi tinanggap ng mga intel personnel. Nagpakita ng calling card na mataas na personalidad sa BI. Hanggang ma-deport ito. At yng mga intel oprtvs ng BI, kinasuhan ng administratibo ng pamunuan? Bakit kaya…milyonaryo ang Chinese na ito… me malalaki negosyo ito sa cebu. Malamang pinagkakitain ito ng mga BUGOK na personalidad sa OCOM. Kaya nagkakaso siya sa Ombudsman. Kng ano ang ginawa nya sa iba, sa kanya rin babalik. – Juan Maglaya
Pera-pera na lang ang boksing kay Manny Pacquiao?
GOOD point Mr. Yap. Actually this loss to Mayweather is the highlight of his career. His next fight is not as exciting if ever he will still continue in boxing. It will appear that it is just only for the sake of money. Actually it will be very hard for Pacman to quit in boxing because it is his bread and butter. He is still young and his children are still young. He still need a lot of money to sustain whatever he has right now. And no one will accept him as politician, endorser, actor, coach, player etc if he is not already in boxing. This should be a lesson to Dionisia who happened to be boastful and had an elicit affair.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com