ni Eddie Littlefield
PERSONAL naming nakausap si Mayor Herbert Bautista sa set ng pelikulang Lumayo Ka Nga Sa Akin sa Malolos, Bulacan. Ito ang trilogy movie ng Viva Films at reunion nila ni Maricel Soriano.
Katatapos lang ng 47th birthday ng mabait na alkalde ng QC last May 12. Nasa bahay lang si Bistek, walang party na naganap dahil ang pamilya niya ay nasa abroad.
The day before Herbert’s birthday, nakatanggap siya ng birthday greeting mula sa ex-girlfriend niyang si Kris Aquino. Tuloy pa rin pala ang communication nilang dalawa kahit wala ng something sa kanila.
“Gagawa kasi kami ng pelikula ni Kris,” turan ng comedian/ politician. Katatapos lang ng meeting nina Herbert at Kris sa Star Cinema para sa movie project na pagsasamahan nila with child star Bimby Aquino Yap. Balitang Metro Manila Film Festival ito. Nagkaroon na nga ng story pitching sina Herbert at Kris. Pareho silang nagko-contribute ng mga idea na magagamit sa pelikula.
May isang aktor pang makakasama sina Herbert at Kris pero nang malaman ng Queen of All Media ang pangalan ay agad nitong nasabi, ”My God…”