Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maria, bilib pa rin kay Bistek

ni Eddie Littlefield

052615 herbert maricel
Mayor Herbert Bautista at Maricel Soriano (Kuha ni Fernan Sucalit)

SOLID pa rin ang samahan nina Mayor Herbert at Maricel. Hindi malilimutan ng actress ang friendship nila noong time na ginagawa nila ang Kaluskos Musmos sa RPN9. Walang halong kaplastikan ang turingan nila sa isa’t isa bilang magkapatid.

Kahit ngayon lang uli magkakasama sina Herbert at Maricel, alam ng Diamond Star ang mga kaganapan sa personal na buhay nito. ”Tinatanong ko siya pero hindi nagsasalita. Pero may humahabol sa kanya. Ha! Ha! Ha! Ano ba ‘yun ?” say ni Maria.

Asawa ni Herbert ang role ni Maricel pero kakaiba. ”Luka-luka as usual. Forte ko ‘yan, in character! Ha! Ha! Ha! Maganda, nakaaaliw,” wika niya.

As a comedian, hindi pa ba kinakalawang si Herbert ? ”Para mong sinabi na, nagbabago ba si Jun Nardo? Ganoon ba? Ikaw na! Ha! Ha! Ha! Para mong sinabing may kupas ito ‘pag sinabi mong ganoon si Herbert,” paliwanag ni Mary.

Kapag magkausap sina Maricel at Herbert, hindi mapigil ng actress na hindi matawa sa magaling na komedyante. ”Obvious ba? Ano ‘yon? Ganoon, tawang-tawa? Magaling siya! You know, there was a time when I produced ‘Mary Potter’ before and trying to get my tandem before sa ‘Kaya ni Mister, Kaya ni Misis’ kasi walang Cesar Montano that time. They were trying to get Bayani Agbayani that time. And he was so in demand! We couldn’t get him (Herbert).

“And then sabi ko, I was the one who thought of him (Herbert). Sabi ko, ‘Bakit ba kayo nahihirapan? Ang dali-dali n’yan. Si Herbert, he was so good at that time when we got him! Kasi ang ganda talaga ng tandem namin. Hanggang sa naipasok ko pa si Dick (Paulate). So, tatlo kami, mortal kaming magkakaaway doon. Paano hindi gaganda eh noon pa man, mayroon na kaming ‘Kaluskos Musmos’. Kahit hindi na nga magkatinginan, talikuran pa, si Dick, parang ganoon. May chemistry kahit nakatalikod. Kaya kahit ilang taon kaming hindi magkita at isalang mo na kami,” kuwento ni Maricel.

Palibhasa magaling na actress si Maricel kaya hindi nawawalan ng movie project. Katatapos lang niyang manalo as Best Actress for television para sa seryeng Ang Dalawang Mrs. Real. Kailan kaya uli siya gagawa ng soap?

“Nasa manager ko na ‘yan. Ginugulat na lang ako n’yan. Basta if the price is right, spin a win, Jeanne Young. Go lang ng go! Ha! Ha! Ha!” masayang dugtong pa ni Mary.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …