Wednesday , November 20 2024

Aberya sa LRT/MRT mukhang wala nang solusyon (Mass transportation system bigo sa Pinas, the worst is yet to come)

MRT LRTMUKHANG wala nang solusyon ang hindi na mapigilang pagbagsak ng kalidad ng serbisyo at unti-unting pagkasira ng Light Rail Transit at Metro Rail Transit (LRT/MRT).

Nangyayari ito sa administrasyon na dala ang pangako ng ‘daang matuwid.’

Hindi lang natin alam kung naiintindihan ba ni Department of Transportation and Communication (DoTC) Secretary Joseph Emilio A. Abaya ang kanyang tungkulin.

Baka akala ni Secretary pabaya ‘este Abaya, monitoring lang ang trabaho niya. O kaya maghintay lang ng mangyayaring problema sa kanyang departamento bago solusyonan.

Hindi pa siguro naaabot ni Abaya ang realisasyon na ang isa sa mga tungkulin niya ay lawakan ang foresight para makapag-isip ng isang sistema ng mass transportation na kapag naipatupad ay hindi lang pagagaangin ang buhay ng mga commuter kundi magiging katuwang din ng pamahalaan sa pagsusulong ng tunay na industrialisasyon?

Hindi kagaya ng nangyayari ngayon, na kailangan munang masira ang LRT, magbanggaan o madiskaril ang mga coaches, o kaya ay biglang tumigil ang train sa gitna ng alanganing distansiya mula sa magkabilang estasyon bago malaman ng management na nasira ang riles ng tren.

Hindi na mabilang ang mga nasaktan sa halos magkakasunod na insidente ng aberya sa LRT at MRT pero hanggang ngayon ay hindi makapagsalita si Secretary Abaya para bigyan ng katiyakan ang publiko na hindi na mauulit ang mga kagayang insidente.

At ‘yun ang malaking question mark, bakit hindi mabigyan ng katiyakan ni Secretary Abaya ang publiko na sila ay ligtas sa LRT o sa MRT?!

Kunsabagay, ‘yun nga lang silipin ni  Abaya ang mga pasaherong nagsisiksikan at parang de latang sardinas sa coaches ng LRT at MRT, hindi magawa ni Abaya, ‘yun pa kayang i-check niya na ligtas ang libo-libong commuters?!

Ano kaya ang hinihintay ni Secretary Abaya, ang magkaroon muna ng malaking aksidente bago siya kumilos at resolbahin ang lumalalang krisis sa LRT at MRT?!

Aba, Secretary Abaya, hindi ka iniupo diyan sa DoTC para magpalamig-lamig lang sa opisina mo. Magtrabaho ka para resolbahin ang krisis sa LRT at MRT.

Sayang ang ipinasusuweldo sa iyo mula sa buwis ng mamamayan. Huwag mo nang hintayin na magbuwis ang maraming buhay dahil sa iyong kapabayaan, Secretary Abaya.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *