Saturday , November 23 2024

Aberya sa LRT/MRT mukhang wala nang solusyon (Mass transportation system bigo sa Pinas, the worst is yet to come)

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG wala nang solusyon ang hindi na mapigilang pagbagsak ng kalidad ng serbisyo at unti-unting pagkasira ng Light Rail Transit at Metro Rail Transit (LRT/MRT).

Nangyayari ito sa administrasyon na dala ang pangako ng ‘daang matuwid.’

Hindi lang natin alam kung naiintindihan ba ni Department of Transportation and Communication (DoTC) Secretary Joseph Emilio A. Abaya ang kanyang tungkulin.

Baka akala ni Secretary pabaya ‘este Abaya, monitoring lang ang trabaho niya. O kaya maghintay lang ng mangyayaring problema sa kanyang departamento bago solusyonan.

Hindi pa siguro naaabot ni Abaya ang realisasyon na ang isa sa mga tungkulin niya ay lawakan ang foresight para makapag-isip ng isang sistema ng mass transportation na kapag naipatupad ay hindi lang pagagaangin ang buhay ng mga commuter kundi magiging katuwang din ng pamahalaan sa pagsusulong ng tunay na industrialisasyon?

Hindi kagaya ng nangyayari ngayon, na kailangan munang masira ang LRT, magbanggaan o madiskaril ang mga coaches, o kaya ay biglang tumigil ang train sa gitna ng alanganing distansiya mula sa magkabilang estasyon bago malaman ng management na nasira ang riles ng tren.

Hindi na mabilang ang mga nasaktan sa halos magkakasunod na insidente ng aberya sa LRT at MRT pero hanggang ngayon ay hindi makapagsalita si Secretary Abaya para bigyan ng katiyakan ang publiko na hindi na mauulit ang mga kagayang insidente.

At ‘yun ang malaking question mark, bakit hindi mabigyan ng katiyakan ni Secretary Abaya ang publiko na sila ay ligtas sa LRT o sa MRT?!

Kunsabagay, ‘yun nga lang silipin ni  Abaya ang mga pasaherong nagsisiksikan at parang de latang sardinas sa coaches ng LRT at MRT, hindi magawa ni Abaya, ‘yun pa kayang i-check niya na ligtas ang libo-libong commuters?!

Ano kaya ang hinihintay ni Secretary Abaya, ang magkaroon muna ng malaking aksidente bago siya kumilos at resolbahin ang lumalalang krisis sa LRT at MRT?!

Aba, Secretary Abaya, hindi ka iniupo diyan sa DoTC para magpalamig-lamig lang sa opisina mo. Magtrabaho ka para resolbahin ang krisis sa LRT at MRT.

Sayang ang ipinasusuweldo sa iyo mula sa buwis ng mamamayan. Huwag mo nang hintayin na magbuwis ang maraming buhay dahil sa iyong kapabayaan, Secretary Abaya.

NCRPO Chief Gen. Carmelo Valmoria nagdeklara raw ng giyera vs illegal gambling?

‘YAN ang nabasa nating praise ‘este press release kamakailan.

Galit na raw si Gen. Carmelo Valmoria laban sa illegal gambling.

Target umano ni Gen. Valmoria na suyurin ang bookies, loteng, sakla, video karera, cara y cruz, jueteng pati jai-alai.

O sige na, huwag natin pagdudahan si Gen. Valmoria, pero mas lalo tayong maniniwala sa kanya kung uunahin niya ang Maynila.

Baka kasi hindi nalalaman ni Gen. Valmoria na ‘yang mga illegal activities na ‘yan ay ginagawang ‘pangkabuhayan’ ng ilang pulis-Maynila. 

Kaya nga namamayagpag ang isang BAGMAN na alias Tata Manlapastangan na ginagasgas pa ang pangalan ni Manila Police Distrcit (MPD) director, Gen. Rolando Nana.

Namayagpag daw kasi noong panahon ni Gen. Rolando Asuncion ‘yang si alias Tata Manlapastangan at mukhang mauulit na naman ngayong panahon ni Gen. Rolly Nana.

Kung hindi kayang sawatahin ni Gen. Rolly Nana si Manlapastangan, baka si Gen. Valmoria na nga ang kailangan.

Gen. Valmoria, mukhang hinahamon ka nitong si Manlapastangan!

Bilib kay Senator Sonny Trillanes

KUNG ang lahat ng 24 na senador ay may tapang na gaya ni Trillanes siguradong titino ang Pilipinas…              – [email protected]

PNoy bigo sa extrajudicial killings

ANG pamamaslang sa mga mamamahayag at aktibista ay ‘di malulutas ni Aquino dahil isa rin siya sa promotor nito (re: Hacienda Luisita massacre, dalawang beses na ginawa ng kanyang pamilya at Purisima na kanyang utusang aso). Ang militar ay wala rin magagawa dahil sila ang pasimuno ng pamamaslang sa pangunguna ng mga bobong intelligence service. (re: Palparan at iba pang military officers). Si Aquino ay walang gagawing hakbang sa paghahanap ng pumatay kay Mei Magsino, ni ang pumatay kay Ninoy ay hindi hinanap upang usigin ang ibang tao pa? Duwag kasi at urong ang titi.

[email protected]

Bucayo hindi epektibo sa Bucor

HINDI kaya ni Bucayo ang problema sa BuCor kasi unang-una noong pag-upo n’ya wala siyang ginawang mga programa para maayos ang kanyang area of responsibility… kumbaga kung ano ang dinatnan niya pinagpatuloy n’ya lang…pag lumabas na problema saka lang niya sosolusyonan…dapat may lumabas munang problema bago siya makaisip ng solusyon…

[email protected]

Mga pabor sa BBL

MANY believe that it is a form of separatism. Although the way I see it, hindi naman separate ang bangsamoro region sa national government kasi under pa rin ng national government ang Bangsamoro government. Basta okay ang BBL!

 – [email protected]

WAIT how is the BBL unconstitutional? The Bangsamoro law is strictly under the constitution as per the draft. If your concern is why there is a parliamentary government inside a democratic government, doesn’t the constitution allow a parliamentary government for LGU’s? And is there anything wrong with sharing a portion of the tax revenue to the Mindanao areas that are compromised? They are still part of the Philippines.                         

[email protected]

Umeepal na si Chiz

‘WAG ka na magsalita chiz, wala ka nang panahong naghahalungkat si Trillanes ng ebidensya kay Binay na kinampihan mo no’ng tumakbong bise… ngayong naramdaman ni Chiz na parang may kahihinatnan ang kaso ni Binay biglang nagsalita… obvious na obvious aba… samantala no’ng dalawa ang mayor sa Makati playing safe… walang kinampihan. Mag-usap daw as gentlemen… anong payo ‘yun… mapag-uusapan mo ba ang magkalaban as gentlemen…              

    – [email protected]

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *