AKALA natin ‘e mapapahanay si Senator Chiz Escudero sa mga mambabatas na puwedeng maging statesman sa hinaharap.
Pero nabigo tayo sa ating inaasahan, dahil mas unang natutuhan ni Chiz ang makipagpatintero sa ‘kapangyarihang’ mapoprobetso sa politika kaysa maging isang mahusay na mambabatas.
Nakita natin ito noong 2010 elections. Sa kabila na marami ang umasa na susuportahan niya ang tambalang Noynoy-Mar, bigla siyang nagdeklara na ang kanyang bise presidente ay may B.
Dahil doon, nabiyak ang suporta ng partido ni Noynoy para kay Mar Roxas dahil mayroong lumipat sa katunggaling si Binay.
Hanggang maupo si Noynoy, matindi pa rin ang ‘patintero’ ng mga ‘powers that be’ sa administrasyon ni Noynoy.
Matingkad d’yan ang alliance nina ES Jojo Ochoa at Chiz.
At ngayon ngang, halos isang taon na lang ang natitira, muli na naman nating nakikita ang estilo ni Chiz.
Mukhang ang kanyang VP ngayon ay ‘yung meron namang “P.”
What the fact!
Bakit hindi ka na lang magpaka-loyal doon sa letter B mo, Sen. Chiz?!
Komo ba nanganganib na masilat at mukhang mabango at popular ‘yung letter P, ‘e doon ka naman ngayon?!
Kanino ka ba talaga?!
Kunsabagay, mukhang ‘yan lang ang pangarap ni Chiz, ang maging political broker. Mukhang wala sa pangarap niya ang maging statesman.
Sa totoo lang ‘e, wala tayong matandaan na landmark sa mga ginawa ni Chiz sa Senado.
Bukod sa tila tumutula niyang pagsasalita sa plenary hall at mga interview sa telebisyon, ‘e wala na tayong matandaan na significant achievement niya.
Heto na lang ang unsolicited advice natin kay Sen. Chiz, suportahan mo na ‘yung letter B mo, ‘wag ka nang mamangka pa sa dalawang ilog.
Huwag mong kalilimutan ang kasabihan… “It pays to be loyal.”
‘Di ba Sen. Chiz?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com