Wednesday , November 20 2024

Hinaing ng mga airport frisker (Attention: Dotc Sec. Jun Abaya)

SSOMORE than 600 strong but weak force of the National Employees Transportation Security [NETS], all of them deployed at the Ninoy Aquino International Airport [NAIA] terminals as Screening Security Officer [SSO] are still hoping for a miracle to raise their salary grades [SG].

Ang mga kapatid nating SSO personnel ay nasa ilalim ng pangangalaga at pangangasiwa ng Office of the Transportation Secretary (OTS) directly under the office of Department of Transportation and Communication [DoTC] ni Kalihim JUN PABAYA ‘este’ ABAYA.

Karamihan, kundi man mayorya ng mga SSO ay ‘tinubuan na ng tahig’ sa NAIA at  ilang taon na ring nagtitiis sa ‘kakapiranggot’ na sahod.

Mantakin ninyo na ang senior SSO ay sumasahod lamang ng may P13K per month under SG-8?!

Samantalang ang mga newly hired at contractual na mga kasamahan nila ay enjoy agad sa SG-11 on-ward ranging from P16K to P18K!

 What the fact!?

Ang classic pa nito, ang petition na iniharap ng mga veteran SSO sa tanggapan ng kanilang Asst. Secretary ay halos mahigit 5-taon ng nakatengga sa lamesa nito at hindi alam ng mga petitioners kung ito ba raw ay maaaprubahan o tuluyan nang aanayin sa Asec. table.

Natuklasan pa na sa masigasig na pagsasaliksik ng ilang miyembro ng NETS, nadiskubre na may sapat na pondo naman umano upang itaas ang SG ng mga beterano ng SSO ngunit ang ‘di alam ng mga pobreng kapatid nating “frisker” kung talagang likas ang pagiging ‘makunat pa sa inuyat’ ng kanilang Assistant Secretary?!

Kaya pala hindi maiwasan na ang ilan sa mga SSO ay “dumidiskarte” dahil sa P13K [SG-8] take-home pay w/d deductions pa ay ‘di kakayaning suportahan ang pamilya na may 2 anak, nangungupahan at may bayarin pa sa kuryente, tubig at pambili ng pagkain.

Dasal na lang nila ay sana’y magbago ang ‘pasahod sa kanila kapag natapos na ang tuwid na daan.  

Tsk tsk tsk!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *