Marami na tayong naririnig na istorya at reklamo na umaangal ang mga foreigner sa nangyayaring proseso ng lifting of blacklist order sa Bureau of Immigration (BI).
Masyado raw unfair at hindi by the merits ang ginagawa para ma-lift ang blacklist ng isang foreigner.
Ang pinag-uusapan daw ngayon ay kung magkano ang budget para lang makapasok uli ng bansa ang isang na-blacklist.
Tumataginting na 350K plus na raw ang nangyayaring singilan na halos ikahimatay ng mga kaanak at kaibigan ng isang foreigner para lang sa isang simpleng kaso o exclusion na nangyari!?
At kung hindi raw kayang magbayad nang ganitong halaga, siguradong mahihirapan sa dami ng hinihinging requirements. Matutulog nang matagal sa BI-OCOM ang dokumento at sa huli ay denied ang application for lifting of blacklist.
Ngayon, kung may kakayahan naman kumonek sa right people at maglabas ng 350K, siguradong approved without thinking, lifted agad sa blacklist!?
Nalaman natin na hindi na pala Legal Division ang humahawak ngayon ng lifting ng blacklist order kundi mismong sa office ni BI Comm. Fred ‘valerie’ Mison niyayari ‘este tinatrabaho ang proseso.
Hindi rin pala kasama sa prosesong ito ang dalawang bukol ‘este BI Associate Commisioner.
In short, para daw naka-imbudo ang proseso nito sa BI-OCOM!?
Kung wala rin lang konek dito ay parang volleyball ang iyong papel na pabalik-balik kung saan-saan at sa huli ay swak ito sa basurahan?
Ngayon kung matibay naman ang iyong abogado o kung sa mga repapips na sina alias Atty. INGGO, BUHOL-BUHOL at Atty. LUYA ang may hawak, siyento por siyento approved ang iyong lifting without delay!?
Sand of a beach!
Naturalmente kinakailangan sumuka ng hindi bababa sa 350K para lang dito.
Mas mabuti siguro na manawagan tayo kay SOJ Madame Leila De Lima at baka hindi pa niya alam ang ‘MILAGRO’ sa BI.
Matagal na bang nabubukulan si Madame SOJ!?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0927.590.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com