ANG Tagaytay City ngayon ay pinamumunuan ng kanilang kauna-unahang babaeng alkalde sa katauhan ni Mayora Agnes D. Tolentino, ang kabiyak ng puso ni kasalukuyang Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, na nag-full-term din bilang alkalde sa nasabing lungsod bago ang kanyang misis.
Tagaytay City is making a milestone in their history.
Sa magkasunod na dalawang taon, itinanghal ang lungsod bilang most child-friendly city kaya naman sa kanila iginawad ang Presidential Award for the Most Child Friendly City.
Ang Tagaytay ay isa sa pamosong lugar na paboritong puntahan ng mga lokal at dayuhang turista dahil sa ganda ng tanawin, malamig na klima at itinuturing na isa sa pinakamalinis na bayan sa bansa.
Hindi na mabilang ang iba’t ibang award mula sa local and foreign awards and citation bodies dahil sa kanilang programs and promotion sa larangan ng edukasyon kalusugan at kapaligiran.
Bukod diyan, ipinatutupad din ang adbokasiya para sa proteksiyon, pangangalaga sa mga bata, edukasyon, health-nutrition at iba pang development programs kaya nagwagi sa child friendly (component city) category award.
Kung ganyan ka-komprehensibo ang programa ng isang lungsod para sa mga bata at kabataan, natitiyak natin na mabubuting mamamayan ang kanilang maipupundar para sa hinaharap.
Kay Mayor Agnes Tolentino at sa mga taga-Tagaytay, congratulations po!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com