Apat na posisyon ang bakante sa Commission on Human Rights (CHR), nang matapos ang termino ni dating Chairperson Etta Rosales, noong May 5, na ngayon ay naka-hold over at tatlong kasama niya, habang walang pang inia-appoint ang Presidente. May limampu (50) ang mga nagkainteres na mag-apply sa mga nabakanteng posisyon na ngayon ay nasa vetting process pa.
Pero marami rin ang mga gumawa ng taktikang-bulok para itulak ang kanilang kanya-kanyang manok.
Noong isang linggo habang nasa Canada si Presidente Noynoy Aquino ay may lumabas na news item na ilan umano sa mga aplikante at aspirante bilang CHR Chairman ay sina dating Constitutional Commissioner Chito Gascon, si dating Congressman Erin Tanada, Gwen Pimentel na kapatid ni Senador Koko Pimintel.
Marami ang nagulat at nagtaka kung bakit may mga press releases, at kino-congratulate pa sila sa radyo.
Aba’y napaka-adelantado naman ‘ata nila!?
Pinapangunahan pa ang presidente habang siya ay nasa Canada?!
Kamot nga raw sa ulo ang ilan sa bright boys sa Malakanyang dahil hindi pa nga natatapos ang selection process ng board sa Presidential Management Staff ay may pahayag na agad sa media na lumabas na may ini-appoint na sa CHR.
Nililito at ginugulo ng ‘SPIN DOCTORS CUM MEDIA OPERATORS’ ang trabaho ng selection board ng Presidential Management Staff maging si Executive Secretary Jojo Ochoa ay nabigla rin.
Nag-post pa nga si Con-Com Chito Gascon sa kanyang Facebook wall:
“That the Public May Know (this includes well-wishers): the vetting process to the CHR is still ongoing… no appointments have thus far been issued… the earlier report everyone had relied upon was not based upon an official announcement from OP (this is also a GMA Online Report, only more recent)… i appreciate the expressions of support BUT let’s just wait for the search process to be completed… God Bless Always… Cheers!
Lekat, masyadong atat na atat ang ilang tao na mai-appoint ang minamanok nila sa pamamagitan ng media?!
Sigurado ba kayong gusto ng mga tao na mai-appoint sila sa Commission on Human Rights? O sa ibang opisina? O kayo lang ang may gusto?
Ano bang meron diyan sa opisina ng Commission on Human Rights at maraming nagkukumahog na ma-appoint!?